Nagulat ang lahat dahil sa bagong haircut ng lider ng fire dragon g**g. Ang dating maangas na dating at pangbadboy look daw niyang may pahaba bangs style niyang buhok ay naging one inch clean cut na. Tapos yung sandamakmak na earrings sa tainga ay naging iisa nalang. Pacool narin kung maglakad at di na pangmaangas na kala mo sinong siga sa daraanan.
"Si Daezel ba talaga yan?" Di makapaniwalang tanong ng isang babaeng di type ang dating Daezel.
"Mas lalo siyang gumwapo! Kyaah! Love ko na siya." Kinikilig ding sabi ng isa pa.
Habang yung lalake naman ay kanina pa humahaba ang leeg na animo'y may hinahanap. Samantalang may isang babae namang kanina pa nagtatago sa likuran nina Kenjie at Clyden.
"Lumayo ka nga! At saka bitiwan mo yang damit ko!" Sigaw ni Kenjie na tinatanggal ang isang kamay ni Hyemie na nakahawak sa laylayan ng uniform niya.
"Wag ka kasing gumalaw dyan! Makita pa ako eh." Sagot ng dalaga.
Sumilip siya sa pagitan nina Kenjie at Clyden para makita kung nasaan si Daezel. Ayaw niyang maging slave nito kaya kailangang di siya nito makita.
Habang nakasilip ay nahagip ng kanyang paningin ang isang lalakeng transferee. "Woah! Ampooogee!" Agad siyang dumaan sa pagitan nina Kenjie at Clyden saka tinawag ang lalake.
"Hi! Poge! May gf ka na? Alam mo crush kita!" Tawag niya rito. Nilingon siya ng lalake at cold na tiningnan mula ulo hanggang paa. Saka ito nagyak!
"Ngayon ko lang nalaman. May probinsyana din palang higad." Singit ni Ayumi na nandoon pala. Di na niya iyun pinansin.
Hinila naman siya ni Clyden palayo. Nilagpasan pa nila ang grupo ni Daezel na kanina pa naghahanap sa kanya. Nang makalayo na sila'y kinausap siya ni Clyden.
"Iwasan mo ang mga yun. Gusto mo ba talagang mapahamak ha!" Sabi pa nito sa kanya.
"Kilala mo yun?" Tanong niya sa kaibigan.
"Oo. Kalaban ng g**g namin. Kung playboy ako times ten ang lalakeng yun! Kaya kung pwede layuan mo ang sinuman sa kanila." Paalala nito sa kanya. Pero ngiti lang ang isinukli ng dalaga.
"Ako si Hyemie. Laking probinsya, slow man kunti pero hindi tanga. Hindi ang tulad ko ang mahuhulog sa mga patibong ng mga taga-City. Kundi ang mga tulad nila ang mahuhulog sa kamandag ng isang pasaway na probinsyanang katulad ko. Sa ganda ko ba namang to!" Sabay turo sa mukha then kindat.
"Yak lang. Sa ayos mong yan na parang pulubi? Saan ang matatawag na ganda dyan? Sapatos na suot kupas na. Yung itinali sa buhok rubber bond pa. Buti sana tinalian lahat pero yung dulo lang. Tapos wala ka pang suklay." Puna naman ni Clyden.
"Sa ang hirap suklayan ng wig na to. Nagtitipid din ako ngayon kaya ganito ang ayos ko. Alam mo na kuripot any parents ko." Sagot lamang ng dalaga.
Ayaw naman ng pamilya niya na tanggalin ang desguise niya hangga't di pa nila natatapos ang imbistigasyon. Hindi rin niya alam kung sino sa paaralang ito ang may gusting kunin ang buhay niya.
Si Daezel naman na kasama ang barkada tinatanong ang sarili.
"Tingnan niyo nga ang mukhang to? Nakakatakot ba to?" Tinuro pa ang sarili.
"Di ka pala aware don? Na mukha palang nakakatakot ka na." Sagot naman ni Eram.
"Subukan mong ngumiti." Sabi naman ni Carten na agad namang sinunod ni Daezel.
"Ayan pa. Ngiti palang parang di na gagawa ng mabuti." Dagdag pa ni Carten na ikasama ng tingin ni Daezel.
"Yang tingin mo pa. Tingin palang parang gusto ko ng tumakbo palayo." Sagot naman ni Herrel.
"Ganon na ba talaga ako kasamang tingnan?" Napahawak pa siya sa mukha at tumingin kung saan dumaan sina Hyemie at Clyden kanina.
Dumating naman si Ashiera na dala ang mga bag nila. Ang totoo niyan inuutusan nila si Ashiera para makita ang ekspresyon ni Kenjie. Palage kasi silang magkalaban sa lahat ng bagay.
Gustong-gusto niyang makita ang ekspresyon nito kapag nakikitang nahihirapan ang girlfriend niya.
"Punta ka sa bahay ko at linisin mo ang mga kalat don." Sabi niya pa at tiningnan ang magiging reaksyon ni Kenjie.
Nakita niyang tumalikod lang ito na di man lang tinapunan ng tingin ang kanyang girlfriend.
"Kita mo yon? Hindi ka niya kayang ipagtanggol kaya bakit sa kanya ka pa nahulog?" Nakangising sabi ni Daezel. Si Ashiera naman yumuko lang at di na sumagot.
Nagsialisan na sila at sumunod naman sa kanila si Ashiera.
Si Kenjie naman na nakatalikod kanina ay napalingon sa direksyon nina Daezel.
"Bakit mas pipiliin mong magiging slave kaysa iwan ako? Bakit mas gusto mong manatili dito kahit na nahihirapan ka na?" Tanong pa ni Kenjie habang nakatingin sa likuran ni Ashiera.
Pinili niyang maghiwalay sila kaysa makitang nahihirapan sa paaralang ito si Ashiera ngunit hindi pumayag ang babae at mas gustong magiging slave kaysa iwan niya.
Hindi niya ito ipinagtatanggol para umalis na ito sa paaralang ito kaso kahit inaapi na siya ng mga estudyante hindi parin umalis si Ashiera.
"Mapapahamak ka lang dito kaya umalis ka na lang." Ang naalala niyang sabi niya dito.
"Hindi ako aalis. Kapag aalis ako dito hindi na kita makikita pa." Sagot naman nito.
"Maari ka namang lumipat sa ibang paaralan di ba?" Sabi pa ni Kenjie.
"Aalis lang ako dito kapag aalis ka." Hindi naman makaalis sa paaralang ito si Kenjie dahil ayaw ng kanyang ama.
Napailing na lamang si Kenjie maalala ang mga usapan nilang iyon ni Ashiera. Hinayaan niya ito para umalis na pero nananatili parin ang babae sa paaralang ito kahit nahihirapan na. Kaya naman lalong nagiguilty si Kenjie dahil nagawa ni Ashiera ang mga bagay na ito dahil sa kanya.
Kung hindi sana siya natalo sa laban nila ni Daezel. Kung sanay malakas siya noon at hindi padalus-dalos kung magdesisyon, hindi sana mangyayari ang mga bagay na ito.
Hindi siya dapat pumayag sa pustahan. Hindi siya dapat nagpadala sa pagiging arogante at pagkamapagmataas niya dati. Bakit kasi ang yabang niya? Dahil sa pag-aakalang walang makakatalo sa kanya pumayag siya sa pustahang ginawa ni Daezel sa kanya at nahulog naman siya rito.
Minsan may nagagawa tayong pagsisisihan natin at halos gustong sapukin ang sarili sa mga maling ugali at desisyong ginagawa natin pero huli na kahit magsisisi man tayo dahil nangyari na at nagawa na ang mga bagay na di dapat gawin.
Ang mahalaga lamang ay ang natututo tayo at ginagawang aral ang mga maling bagay na nagawa natin. Binabago para hindi na mauulit pa at di na uulitin pa dahil alam na nating mali ang magiging resulta.
At ang karanasang ito ay di na gusto ni Kenjie na maulit pa. Pero hindi naman niya alam kung ano ang mas tama. Kaya naman minsan may nagagawa na naman siyang mali na di naman niya alam na hindi iyon nararapat. Lalo pa'y tanging mga kaibigan lamang niya ang mga kasama at kausap.