Hyemie's point of view
Nakailang araw narin ako rito. Akala ko nga, di na ako aabutan ng ilang araw lalo na sa ayos kong to. Buti nalang medyo nabawasan ang pagkabully nila dahil sa takot sila sa bago naming guro. At dahil weekend ngayon, maari kaming lumabas ng school. Pwede ring umuwi kami sa mga pamilya namin.
Naglalakad ako sa kalsada. Naghihintay ng dadaang sasakyan pero wala. Hindi kaya ako naligaw? Lumiko ako sa isang eskinita.
"Lumaban ka gago." Ang narinig kong sigaw sa isang maliit na eskina. At dahil umandar na naman ang pagkatsismosa ko, sumilip ako.
Syempre, nakahanda rin ang sarili sa pagtakbo sakaling may panganib.
Nanlaki ang aking mga mata makita ang isang grupo ng mga kalalakihan na may binubugbog. Sinasabi pa nilang lumaban ka gago, eh, nakagapos naman pala yung lalakeng binubugbog nila.
Puno na ito ng pasa at may umaagos na dugo galing sa ulo patungo sa mukha. May dugo narin ang bibig. Lumaban pa raw. Paano makakalaban kung nakagapos naman? Wala talagang utak ang mga to o, di ba nila alam na pinapahalata nila ang kanilang kaduwagan?
Tinitigan kong mabuti ang hitsura ng lalake. Pamilyar kasi ang tindig niya eh. Pamilyar talaga. Bigla akong napatakip ng bibig mapagtanto kong sino. Si Kenjie iyan ah. Yung tinatawag ni Clyden na Kei.
Kumuha ng b***l ang lider at itinutok ito sa ulo ni Kenjie. Bumilis ang t***k ng akong puso. Ayaw kong magiging saksi sa isang krimen dahil ayaw kong magtagumpay ang isang krimen habang saksi ako.
"Akala mo makakalimutan ko iyung ginawa mo? Hindi. Dahil sayo muntik na akong di makalakad." Sabi nito at tinadyakan pa si Kenjie.
Ano ba'ng dapat kong gawin? Hindi naman pwedeng hahayaan ko lang siya. Baka mapatay pa siya ng grupong iyan. Sayang naman, gwapo pa naman.
"Paalam dahil paglamayan ka na." Sabi nito. Ano bang dapat kong gawin? Hyemie, mag-isip ka bilis!
Kinalkal ko ang bag ko at hinanap yung cellphone ko. Sana naman gumana ang plano ko. Agad kung ni-play ang sirena ng police car.
Isa sa mga panakot sa mga manggugulo sa amin noon kaya palage akong may ganitong ringtone.
"Ano yun?"
"Mga pulis yata."
"Syet! Mukhang may nakakita sa atin."
Natawa na lamang ako ng magkandarapa sila sa pagtakbo. May pagkatanga din pala ang mga to. Sabi ko na nga ba't tatapang-tapangan lang sila.
Nang matiyak na wala na sila pinuntahan ko na si Kenjie na nakahiga na ngayon sa sahig.
"Huy! Wag kang matulog dyan. Madumi yung sahig." Sabi ko at tinapik-tapik ang kanyang pisngi.
Pinilit niyang dumilat at inikutan lang ako ng eyeballs? Aba naman! Niligtas na nga iikutan pa ako ng mata?
Ang sungit talaga ng lalaking to. Tinanggal ko yung nakagapos sa kanyang mga paa at kamay.
"Umuwi ka ng mag-isa." Sabi ko.
Wala naman akong pakealam sa kanya eh. Nakatatlong hakbang pa lang ako, di pala kaya ng aking konsensya.
Binalikan ko nalang siya at inalalayang maglakad. Kundi lang sa na-train itong katawan ko hindi ko talaga mabuhat ang mabigat na katawang to.
"Ang bigat-bigat mo kaya umayos ka diyan. Alalayan lang kita at di bubuhatin." Reklamo ko.
Di man lang kasi maglakad. Napupunta sa akin lahat ng bigat niya.
"Tsk! Di ko sinabing tulungan mo ako." Sagot niya naman na halatang pinipilit magsalita kahit nahihirapan.
"Hindi. Kaso konsensya ko pa kung matuluyan ka." Sagot ko naman. "Multuhin mo pa ako eh, mahirap na."
Napatigil ako sa paglakad makita ang kanyang mga kagrupo na paparating. Mukhang hinahanap siya. Tinatawag kasi ng mga ito ang kanyang pangalan.
*****
Third person's p.o.v
Napamura na lamang si Kenjie, nang bigla siyang bitiwan ni Hyemie na ikinabagsak niya sa lupa.
"Wag mong sabihing ako ang nagligtas sayo." Sabi nito bago kumaripas ng takbo para di makita ng Dark angels g**g.
Kaso lalo si Kenjie mapamura nang makaamoy ng kakaiba.
Pagsapit ng lunes...
Panay dasal ni Hyemie na sana di siya resbakan ni Kenjie. Maganda daw kasi ang pagkabagsak nito sa lupa nong bitiwan niya. Talagang nauuna ang mukha.
Gusto na niyang maihi sa takot dahil guilty siya. Ganyan siya kapag nagi-guilty. Lalo na't kanina pa siya tinitingnan ng masama ng lalake.
May mga band aid sa ulo at mukha nito. Marami ring pasa. Yung ilong may band aid rin. Wala naman sana itong pasa sa bahaging iyun. Lalo siyang kinabahan nang maisip na dahil iyun sa pagkakabagsak niya nang bigla niya itong bitiwan.
Pagkatapos ng klase, aalis na sana siya nang magsalita ito at nakatingin sa kanya.
"Stay here." Mariing utos nito.
Napalunok-laway siya dahil sa sobrang lamig ng boses nito. At dahil sa takot siya sa boses nito, tumakbo siya palabas. Ayaw niyang masaktan no. Pangalawang beses na niya itong tinakbuhan.
Hinihingal siyang umupo sa may field.
"Hay, salamat naman at nakawala ako." Sambit niyang pinapakalma ang sarili.
Nang kumalma na ay kinuha ang baong pagkain na siya mismo ang nagluto. Mas gusto kasi niya ang luto niya kaysa sa mga luto na nandon sa cafeteria. At nagbabaon narin siya para sakaling mangyari ang ganito, hindi siya magugutom kung di siya makapunta sa cafeteria o makabalik sa dorm.
Nakabili na kasi siya ng mga groceries noong weekend kaya naman nakakapagluto na siya sa dorm nila. Ayos na din ang school uniform niya kaya nakapag-uniform na rin siya.
Pagkatapos kumain, naisipan niyang maglakad-lakad na muna sa buong paligid ng campus. Hindi pa kasi niya napuntahan lahat. Paliko siya sa may hallway nang bigla nalang may humigit sa kanyang braso.
"I told you to stay, right!" Sabi ng lalake at marahas siyang isinandal sa pader na ikinangiwi niya sa sakit.
"Aaaah!" Sigaw niya sa sobrang bigla sa lalaking kaharap. Pero tinakpan nito ang kanyang bibig.
"Stop shouting or I'll rip your mouth!" Banta nito na ikinatango niya.
"Why did you run?" Tanong nito. Parang kakainin na siya nito anumang oras.
"I just wanted to. Bakit di ba pwede?" Sagot naman niya na nakipagtitigan sa lalaking nakakunot ang noo habang nakatingin ng masama sa kanya.
Naalala niyang napakalapit nga pala ng kanilang mga mukha sa isa't-isa. Nagsmirked ito bigla at nilapit pang lalo ang mukha.
Nagtaka tuloy siya bakit hindi ito nandiri sa kanya at hinawakan pa siya. Galit lang ang makikita sa mga mata nito at hindi pandidiri. O baka naman hawala ang pandidiri niya dahil sa Galit?
"Kapag ako matakot nang dahil sayo wag mo akong sisihin kung masipa kita." Sabi niya.
Siya kasi ang tipo ng taong the more na matatakot the more na nakakapanakit.
Ang mga taong takot na masaktan mo ay isa sa mga unang taong mananakit sayo sa takot na maunahan mo. At isa na doon si Hyemie. Kung hindi ka man niya kayang takbuhan at iwasan, uunahan ka na lang kaysa siya ang maunahan.
Ibinaba naman ni Kenjie ang paningin sa kanyang mga labi at lumunok pa.
Agad naman niyang tinakpan ang bibig at sumigaw ng "waah! Wag mo akong rapin! Promise, di na ako virgin."
"What! r**e? Sa panget ng mukhang yan! Sa tingin mo ba, may papatol sayo? Mandiri ka nga." Sagot nito at bahagyang lumayo.
"Kapag ako talaga ang gumanda..." Sabi niya.
"O ano?" Tanong ni Kenjie na itinaas pa ang isang kilay.
"Eh, di. May.....Himala! Ano pa nga ba." Sagot naman ng dalaga. Inirapan lamang siya ng lalake.
"May kasalanan ka pa sa akin babae, kaya pagbabayaran mo yun." Siya ang taong tumatanaw ngbutamg ng loob pero siya din ang taong naniningil hangga't may utang ka sa kanya.
"Pasalamat ka nga at niligtas pa kita." Sagot Hyemie at inikot ang mata. Kung alam lang niyang dadagdag lang sa problema niya ang pagliligtas sa isang to hinayaan nalang sana niya.
"Well, thank you for that. At babawi ako sayo dahil don. Pero ang masubsob ako sa dumi ng aso ay ang siyang hinding-hindi ko matatanggap." Halatang galit na galit ito at diring-diri maalala ang nangyari. Gusto pa ngang masuka.
"Eh?" Reaksyon ng dalaga "kaya naman pala galit na galit." pero mayamaya pa'y "bwahahahaha! Hahaha!" Humawak pa ito sa tiyan sa sobrang tawa.
"Stop that. Or else, I'll kill you!" Banta nito.
"Ehem... Wag mo naman akong tinatakot. Kung masipa talaga kita naku naman." Sabay hawak sa binti na kunwari pinipigilan.
"Bilang kabayaran, magiging slave kita." Sabi ni Kenjie.
"Ano namang bayad sa pagliligtas ko sayo?" Tanong din ng dalaga.
"Bigyan kita ng pera."
"Di ko yan kailangan."
"E ano?"
"Protektahan mo ko palage kapag may gustong manakit sa kin. Ano? Deal or no deal?"
Nakataas-baba pa ang kilay.
"Deal!"
"Tandaan mo yan. Patunayan mo rin." Kasi naman maraming g**o ang nakapalibot sa akin.
Natuwa pa siya dahil may susunod sa mga kalat niya. Kalat ng g**o at di kalat ng basura.