3rd Person's Point of View
Nag agaw atensyon ang isang dalaga na kakababa palang ng eroplano at kasalukuyang inaantay ang maleta niya na matapat sa kanya at makuha na ng makauwi na siya at makita ang taong dahilan kong bakit siya umuwi ng Pilipinas.
Hi di maikakailang maganda ang dalaga kaya effortless sa kanya ang pagkuha ng pansin ng ibang tao o pasahero na malapit sa kanya lalong lalo na ang mga kalalakihan. Nakashades ito at purong itim ang suot magmula sa leather jacket nito na itim na napapalooban lang ng sandong puti at ang kanyang itim din na pantalon.
Litaw na litaw ang kaputian nito sa suot at nang mapagmasdan niya ang pagkaagaw niya ng atensyon ng mga kalalakihan ay kumurba ang isang ngisi sa labi niya dahil hindi na rin iyon bago sa kanya.
"No one can resist my presence except for him" saad nito sa isipan niya at naalala na naman niya ang lalaking kanyang gustong makuha ang lalaking inaasam niya. Ang lalaking bukod tanging hindi naakit sa kanya at hindi man lang naaapektuhan ng presensya niya. Sinubukan niya itong akitin noon pero hindi man lang siya nitong magawang tingnan o sulyapan man lang na labis na nanakit sa ego niya pero hindi niya alam na unti unti na pala siyang nahuhulog dito ng hindi niya nalalaman at ngayon ay gagawin niya ang lahat para makuha ito sa kahit na ano pa mang paraan.
"Hindi sumusuko ang isa Celine Alcosta sa isang bagay na gusto niya at walang gusto ko ang hindi ko nakukuha" saad nito sa sarili at saka kinuha ang maleta niya para puntahan na ang susundo sa kanya.
Agad niyang nakita ang banner na hawak ng isang lalaki na nakapang driver na suot. Hindi niya inaasahan na ang sinasabing driver ng mga magulang niya na susundo sa kanya ay bata pa pala siguro ay kaedaran lamang niya ito.
Lumapit siya dito at inabot ang maleta niya "I-Ikaw po ba si ma'am Celine?" tanong nito at nanuot sa tenga niya ang malagong at malalim na boses nito at hindi maiwasang mapatitig siya sa mukha nito kaya agad niyang inalis ang shades niya na mas lalong kinatulala ng lalaking nasa harapan niya.
"Sa tingin mo ba lalapitan kita kong hindi ako ang taong hinahanap at inaantay mo?" may katarayang saad niya dito. Ang ayaw niya sa lahat ay masyadong slowpoke at marami ang tanong dahil madali siyang mairita.
Agad namang natauhan ang driver dahil sa sinabi at pagtataray niya "a-ay pasensya na po ma'am naninigurado lang po. Tara na po, diretso na po ba kayo sa bahay ninyo o may pupuntahan pa kayo?" tanong nito sa kanya. Nagcross arms naman siya dahil naisip niyang puntahan ang lalaking nais niyang makita pagkauwi pa lamang niya dito.
Nag aantay naman ng sagot niya ang driver niya "No, drive me to the Salvatore's shipping company" saad niya dito na tinanungaan nalang nito habang nakangiti pa kaya inikutan ko nalang ng mga mata ito at nagpatiuna na sa kanya sa paglakakad palabas ng airport na akala mo ay alam ko kong nasaan ang pinagparkingan niya ng sasakyan gagamitin niya sa pagsundo saakin.
"Ang ganda nga pero super sungit naman" pabulong na saad ni Lawrence na siyang driver ni Celine para sunduin siya. Napailing iling nalang si Lawrence saka sinundan ang amo dahil alam niyang hindi nito alam kong saan nakapark ang kotse nila.
Constantine Atticus Salvatore
Kakatapos lang ng board meeting ko at kasalukuyan kaming naglalakad ng secretary ko pabalik ng office ko "what's my schedule for this afternoon?" tanong ko sa kanya nasa likuran ko siya.
"Ahmm isa lang po ang sched ninyo this afternoon by 2:00 o'clock po. Meeting with Mr. Valle our new and possible investor" saad niya kaya tumango nalang ako at nagpatuloy sa pagtahak ng daan papuntang office ko.
Kailangan kong makita ang mga pictures ng asawa ko ngayong araw dahil pagod na pagod ako kanina dahil sunod sunod ang meetings ko buong umaga kaya hindi ko na nacheck ang pictures na pinadala saakin ng source ko kaninang umaga dahil sa pagmamadali. Mabuti nalang at wala na akong masyadong gagawin ngayon hapon which means ay masusundo ko siya besides hanggang mamayang 5:00 pm pa naman ang uwian nila ngayong araw. I have his schedule kaya alam ko kong anong oras ang pasok niya at ang uwian niya.
Kaagad akong sumalampak sa swivel chair ko at inunbutton ang nag iisang butones ng suit ko at medyo niluwagan ang necktie para maginhawahan ang pakiramdam ko. Saglit akong napapikit habang nasa isipan ko ang magandang mukha at ngiti ng asawa ko. Naramdaman ko ang kakaibang enerhiya sa katawan ko dahil lamang sa ngiti niya and I already feel generated. This past few weeks ay mas nagiginvg corny na ako kapag siya ang pinag uusapan. Nandidiri pa ako noon kapag nagsasalita si David ng mga corny words at kapag nakakakita ako ng mga movies na sobra sobra ang kakornihan pero heto ako ngayon nararanasan na din kong paano magibg corny but I feel honored dahil iyon kay Delaney, sa asawa ko. I should prepare a grand celebration for his upcoming 21st birthday na kong saan ay tatapak na siya sa legal age at maaari ko na siyang pakasalan. He can continue his study kahit na kasal na kami at susuportahan ko siya doon. I just want him to be my wife as soon as he step on his 21st.
Napagpasyahan kong tingnan ang pinadalang litrato saakin ng source ko sa email ko pero hindi ko pa man nabubuksan ang email ko ng kumatok at pumasok sa loob ng office ko ang secretary ko na kinakunot ng noo ko.
"Sorry sir if I suddenly barge in your office may nagpupumilit lang po kasi sa labas na makausap kayo. Pumunta po ako dito para tanungin kayo dahil alam kong nagpapahinga po kayo pero mapilit po yung babae" saad niya kasi as far as I remember wala akong ibang kakilala pang mga babae bukod sa mga nakikita kong empleyado dito at sa sekretarya ko.
"Sino naman daw ang babaeng iyon and ano ang kailangan niya?" seryoso kong tanong sa kanya dahil ayaw na ayaw kong iniistorbo ako sa pagpapahinga ko gayong pagod ako dahil sa sunod sunod na meetings.
Kita ko parin ang takot sa mukha ng sekretarya ko pero namanage naman niya na sumagot sa tanong ko "sabi niya po ay kailangan niya kayong makita at ang pangalan po niya ay Celine Alcosta" saad niya kaya agad akong napatayo sa upuan ko.
"What?! Anong ginagawa ng babaeng yan dito?" tanong ko sa kanya habang bakas ang galit sa boses ko. Hindi pwedeng muling makalapit saakin ang baliw na babaeng iyon ngayon pang nagsisimula na akong kumilos para mapalapit sa magiging asawa ko. She's nothing but a leech girl na mahilig dumikit saakin magmula pa noong nandoon pa ako sa Italya noong pagkatapos kong gumradweyt.
Hindi pa man kami natatapos sa pag uusap ng bumukas ulit ang pinto ng office ko at agad na bumulaga saakin ang babaeng hindi ko nanaiising makita.
Agad na pumorma ang ngiti nito sa mukha habang ako ay expressionless ang mukha dahil ayaw kong magkaroon ng ugnayan sa isang kagaya niya. Minsan na niya akong napaikot noon at hindi na niya ako mapapaikot pa ngayon.
Hindi naman na nakapagsalita ang secretary ko kaya pinalabas ko nalang siya at ako nalang ang bahalang magpalayas sa desperadang babae na to.
"Atticus babe!" saad niya sabay patakbong lumapit saakin at kumapit sa balikat ko.
Aaminin kong maganda nga siya and anyone can turn their heads once they saw this lady pero hindi ako dahil kahit na katiting na atraksyon ay wala akong maramdaman sa kanya dahil para saakin mas maganda si Delaney kaysa sa kanya st siya lamang ang tanging may epekto saakin kahit na larawan lang niya ang makita ko ay ibayong epekto ang hatid non saakin.
Kaagad kong inalis ang pagkakakapit niya sa braso ko at saka nagsalita "ano na naman ba to Celine? Akala ko ba nagkaintindihan na tayo? Sinabi ko na wala kang mapapala saakin dahil may mahal akong iba at tanging ang tao lang na iyon ang mamahalin ko kaya please lang bumalik kana ng Italya dahil wala kang mapapala saakin dito" saad ko sa kanya sa medyo mahinahong boses hanggang kaya ko dahil pagod pa ako para mag aksaya ng lakas ko sa kanya.
"No! I'll do anything to make you mine Atticus. Akin ka Atticus! Akin ka lang!" saad niya sa medyo pasigaw na boses.
Hinarap ko siya at saka tiningnan ng mariin "ano ba ang hindi mo maintindihan sa sinabi kong may mahal akong iba? Nag aaksaya kalang ng oras mo Celine kaya pwede bang umalis kana lang" saad ko sa kanya at napahilot pa sa sentido ko pero muling kumapit ito sa braso ko na labis na kinainit ng ulo ko dahil sa pagiging mapilit niya. Isa ito sa dahilan kong bakit ako umalis noon sa Italya dahil sa kanya dahil ayaw niya akong tantanan at ayaw kong hinahawakan ako ng kong sino kong hindi man lang ito si Delaney.
Pabalang kong inalis ang pagkakahawak niya saakin at galit itong tiningnan. Nakita ko naman ang pagkatakot sa mga mata niya pero kita kong hindi niya iyon pinairal bagkus ay sinalubong nito ang galit kong mga titig.
"I said no hindi ako aalis dito gagawin ko ang lahat makuha ko lang ang gusto ko at alam mo kong ano iyon Atticus. If you just give me a chance I'll show you what I can do to make you happy, if you just let me" saad niya at lumapit saakin pero iniwas ko lang ang tingin ko.
"Bahala ka sa buhay mo dahil wala akong panahon sa mga kahibangan mo at sa mga nais mong gawin. I made myself clear to you Celine at kapag nakialam ka sa mga ginagawa ko sinasabi ko sayo you don't want to see me fuming in anger dahil baka hindi ko alam ang magawa ko sayo. Now get out of my office" saad ko sa kanya. I see the hurt in her eyes pero ilang beses ko na siyang pinaliwanagan but here she is squeezing herself to me to make me love her pero never in my entire life na mangyayare iyon dahil isang tao lang ang mamahalin ko at iyon ay si Delaney, only my mi amorè.
Huminga muna siya bago nagsalita "Hindi parin ako susuko alam kong saakin ka rin babagsak Atticus and I tell you I'll do anything para mangyare iyon" saad pa niya wiht the determination on her face but I know in the end she will end up devastated dahil sa ginagawa niya.
Mabuti naman at umalis na ito kaya medyo kumalma na ang sarili ko. Iniisip ko na hindi rin lang basta basta si Celine. I know na may mga kaya siyang gawin beyond my expectation but whatever happens I'll make sure na hindi niya magagalaw si Delaney never in her wildest dreams na magagalaw niya ito dahil hindi ko alam kong ano ang pwede kong magawa sa kanya kahit na babae pa siya dahil ibang usapan na kapag si Delaney na ang sangkot.
At exactly 4 o'clock ay natapos ja din ang meeting ko kaya dali dali akong lumabas sa office at as usual nandoon sa may parking lot ang kotse ko at ang driver ko pero gaya ng dati ay pinauwi ko na ito dahil ayaw kong magdala ng driver kapag pupuntahan ko si Delaney. Ilang araw ko na din itong hindi nakita dahil sa busy ako this past few days kaya mga larawan lang niya na pinapadala ng source ko ang nakikita ko para maease ang pagngungulila ko sa kanya.
Saktong mag aalas singko na ako nakarating sa may gate ng school nila at meron an ding nagsisilabasang mga estudyante pero hindi ko pa siya nakikita maging ang kasa kasama niyang kaibigan niya. Hindi ako sanay mag antay pero kong para sa kanya ay handa akong mag antay nakasama lang siya. I've been waiting for long years ito pa kayang ilang oras o minuto lang.
Napaayos ako ng upo ng makita ko na siyang lumabas kasama ang kaibigan niya pero agad na napawi ang excitement ko ng makita ko ang asungot na nakasunod sa kanya at may kasama din itong isa pang lalaki. Namukhaan ko ang lalaking iyon at iyon ang lalaking nagpumilit na ihatid siya noong nakaraang linggo and I don't know why kong bakit agad na bumangon ang inis at pagkauyam ko sa lalaking iyon lalo na ng makita kong nginingitian siya ni Delaney na gusto ko ako lang ang nakakakita.
Bababa na sana ako ng makita ko giniya niya si Delaney sa isang sasakyan at ang huli naman ay nagpaalam na sa kaibigan niya saka sumakay sa kotse ng lalaking iyon. Hindi ko napigilang mapasuntok sa manibela ng kotse ko sa nasaksihan.
How dare he na sumakay sa kotse ng lalaking iyon? Paano kong may masamang gawin ito sa kanya? Paano kong mapahamak siya dito.
Nakita ko nalang na umandar na ang kotse nila kaya agad ko itong sinundan. I know I may look desperate bastard but I don't care hindi ako papayag na kong kani kanino nalang siya sasabay hindi ko gusto ang ideyang iyon.
Mabilis silang nakarating sa bahay nila Delaney habang nakasunod ako sa kanila. I parked my car sa medyo malayo sa kanila pero kitang kita ko parin kong paano ito ngitian ni Delaney at ang mag nagpapuyos ng kalooban ko ay nang hinawakan siya ng lalaki sa balikat at ginulo pa nito ang buhok niya saka ito umalis.
Mahigpit na mahigpit ang pagkakahawak ko sa manibela ng kotse habang ramdam na ramdam ko ang nagbabagang galit sa kalooban ko. How dare he touch what's mine at bakit hinayaan lang siya ni Delaney. Gusto ba niya ang lalaking iyon? O baka boyfriend niya iyon.
Mas lalong nagbaga ang galit sa kalooban ko dahil sa isiping iyon "f**k!f**k! f**k!" saad ko habang pinagpapalo ang manibela. Mura lang ako ng mura dahil sa pakiramdam na bumabalot sa kalooban ko sa pakiramdam na hindi ko alam basta ang alam ko lang ay gusto kong magwala.
Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si David "oh bro napatawag ka ata. Hindi k--" hindi ko na siya pinatapos pa sa pagsasalita at sinabat ko siya.
"I'll head to your restaurant prepare a drink for me. I wanna drink today" saad ko sa kanya at saka binaba ba ang tawag at agad na nilisan ang lugar na iyon habang nagpupuyos padin sa galit.
I want to release this anger right now I wanna be drunk hanggat mawala itong nararamdaman ko. Gustong gusto kong magwala pero idadaan ko nalang ito sa pag inom.
Damn that man.
Damn this feeling.