Nicklaus POV NAGISING si Nicklaus ng may lumagabog sa labas ng pinto niya tinignan niya ang wallclock alas dose na pala ng gabi. 'Siya na kaya yan' tanong niya sa isip hindi niya kasi alam kung uuwi ba ang asawa ngayon o sasama ito sa daddy nito na umuwi ng batangas. Hindi niya alam ang no. nito kaya hindi niya matawagan inabot naman siya ng hiya na tawagan ang daddy nito para alaman dahil baka mag taka ito kung bakit hindi ang asawa ang tinawagan niya. Bumangon na siya at hinagip ang sando at isinuot saka lumabas ng kwarto. Tinungo nya ang guests room kung saan natutulog ang asawa napakunot noo pa sya ng makitang bukas ito. Pumasok siya natapakan niya ang leather jacket nito na suot nito kanina. Kung ganon umuwi nga ang asawa niya. Napakunot naman ang noo niya ng may mapansin sa sahig

