Bella's POV Maaga siyang pumasok dahil di pa niya alam kung saang building ang room niya. Ipinarada niya ang ducati sa parking lot ng scholl. May mga magilan-ngilan na ring studyante ang naroroon ang iba ay napapatingin sa kanya pero binabalewa niya. "Bella!" Napalingon siya sa tumawag sa kanya. Napangiti sya ng makita si Sugar na kumakaway sa kanya, nilapitan nya ito. "Aga mo ah." Nakingiting bati niya dito. "Oo nga eh, di ko pa kasi alam kung saang building tayo." Nakangiti ring sabi nito. Tumingin ito sa relong pambisig. "8:15 pa lang pala... nag-almusal kana ba? Kain muna tayo sa canteen?" Masiglang aya nito nuto sa kanya. "Sige," pumayag na rin siya dahil hindi pa talaga sya nag-aalmusal para makaalis ng maaga. Baka kasi kulitin siya ng asawa na sumabay dito kaya di na niya in

