Hindi niya alam kung anong isasagot dito ng may maisip siya... "May ipis! May ipis sa dibdib mo!" Hindi niya alam kung bakit pero naisip nyang itili iyon para makaiwas sa pang-aasar nito. "f**k! f**k s**t! asan? Asan? Shooo.. shooo.." nagulat siya ng bigla itong tumalon sa kama at namumutlang pinapagpag ng kamay ang sarili hindi pa nakontento at nagpagulong gulong pa sa kama hangang sa mahulog ito sa ibaba ng kama malapit sa kinatatayuan nya. Ang lakas ng tawa nya habang pinanood ito na parang retarded na nagdadarang dahil lamang sa ipis. Napakalaking katawan nito pero daig pa nito ang babae kung magsisigaw. Bigla naman itong tumigil ng marinig ang pagtawa niya. Mabilis itong tumayo saka dinampot ang unan na kasama nitong nalaglag at ibinato sa kanya. Napansin na yata nito na pinag-t

