Chapter 2
Bella's POV
ABALA ang lahat sa bahay nila dahil ngayon daw mamanhikan ang mga Villasis - ang pamilya ng mapapangasawa nya.
Napatingin siya sa pinto ng may kumatok. Bumukas iyon at iniluwa ang Mommy Amanda niya. Agad na ngumiti ito ng makita siya pero hindi umabot sa mga mata nito iyon.
"Hija, bakit hindi ka pa nag-aayos?" tanong nito at naupo sa tabi niya saka ginagap ang palad niya.
Hindi siya umimik. Iniiwas niya ang mga mata. Gusto niya sana itong sumbatan kung bakit pumayag ito na ipagkasundo siya sa lalaking ni hindi niya pa nakikilala kahit kailan pero oinigulan niya ang sarili. Malaki ang utang na loob niya sa mga ito at mahal niya ang mag-asawang Sta Ana na parang mga tunay niyang magulang.
Kinupkop siya ng mag-asawa, inaruga, binihisan at pinag-aralan ng mapulot siya ng mga ito na naghihingalo sa gilid ng lansangan.
Kaya kahit labag sa kalooban niya ay pumayag siya sa kagustuhan ng mga ito, inisip niya na lang na kabayaran ito sa utang na loob niya sa mag-asawa. Sa pagturing ng mga itong tunay na anak sa kanya at sa kabutihan ng mga ito.
Pilit siyang ngumiti. "Hinihintay ko lang po si Kiray para tulungan akong mag-ayos." Tukoy niya sa isa sa mga katulong nila.
"Ganun ba..." anito at uling namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.
Tumikhim ito bago pinihit siyang humarap dito. "Patawarin mo ako anak... H-hindi ko nagawang tumutol sa kagustuhan ng Daddy Raul mo," malungkot na hinging paumanhin nito. Kita niya ang paghihirap ng kalooban nito dahil sa nangyayari.
Naiintindihan niya naman ito. Kahit kailan ay hindi nya pa ito nakitang kumontra sa asawa lagi na lang na sumusunod ito sa anumang ipag-utos ng kabiyak. Kaya kahit gustuhin man siya nitong tulungan alam niyang wala rin itong magagawa.
Napabuntong-hininga sya saka pinisil ang palad nito. "Nauunawaan ko naman po ang sitwasyon, Mom." Pinahid niya ang luha sa pisngi nito. "Mahal ko kayo ni Dad at nagpapasalamat ako dahil kinupkop niyo ako kahit hindi niyo ako kadugo."
"Don't say that. Kahit hindi man ako ang nagluwal sayo, anak kita at mahal na mahal kita Bella, kami ng Kaddy mo mahal na mahal ka namin," anito na naiiyak na. Niyakap siya nito na ginantihan niya rin ng mahigpit na yakap.
Humiwalay ito sa kanya at pinahid ang mga luha niya. "Ako na lang ang mag-aayos sayo, hmm?" masuyong anito. Marahan naman siyang tumango. Hinila siya nito sa harap ng dresser saka inumpisahamg ayusan siya.
Nauunawaan naman niya kung bakit kailangan siyang ipakasal ng mga ito. Nais ng Daddy niya na tumakbo sa mas mataas na posisyon at kakailanganin nito ng suporta na manggagaling sa mga Villasis. Na pa ka laki ng tulong ng mga Villasis sa kampanya ng kanyang Daddy niya dahil maimpluwensya sa kanilang lalawigan ang pamilya ng mga ito at marami ring koneksiyon na kilala din sa lipunan. Kaya ang pagpapakasal niya sa anak ng mga Villasis ay para pumayag ang mga ito na suportahan ang pagkapanalo ng Daddy niya sa eleksiyon.
Nang matapos siyang ayusan ng Mommy niya tinignan niya ang sarili sa salamin, manipis lang ang make-up na nilagay nito sa kanya at itinali ang buhok niya sa likod, may ilang hibla sa patilya niya ang hinayaang nakakalat. Isang sleeveless turtle neck dress na hapit sa kanya at umabot lamang sa gitnang hita nya na kulay pula ang pinasuot nito sa kanya na pinarisan ng itim na high heel three inches steletto.
Medyo naiilang siya sa ayos niya dahil hindi siya sanay sa ganoon. Mas komportable sya sa t-shirt at jeans na laging get-up niya.
Hinila na siya nito pababa sa hagdan. Tahimik na lamang syang sumunod dito. Nakasalubong pa nila sa hagdan si kiray na nagmamadali.
"Naku, Madam, nandiyan na ho ang mga bisita," Imporma nito. Tinanguan lamang ito ni Amanda at dumiretso na sa pagbaba.
Naabutan nila sa living room ang kanyang Daddy Raul habang kausap ang ang mga bisita. Isang babae na sa tingin nya'y kaidad lamang ng mommy nya. Maganda ito, maamo ang mukha pati ang hubog ng katawan nito ay maganda rin, daig pa ata sya. Katabi nito ang isang matipunong lalaki na may edad na pero bakas sa tindig nito ang awtoridad.
Bumati sya sa mga ito at nagpakilala.
"Where's Nicklaus?" Tanong bigla ng Mommy niya.
"May kinuha lang sa kotse - Oh, there he is, Nicklaus, come here hijo," ani ni Mrs. Villasis sa binatamg pumasok sa pinto.
Matangkad ito siguro'y nasa anim na talampakan ang taas. Nakakunot ang noo nitong nakatingin sa kanya. Magkasalubong ang mga may kakapalan na kilay nito, maganda ang mga mata nito na akala mo ay laging nakangiti, matangos ang ilong at maganda ang mga labi na parang laging nang-aakit saka... saka.. saka parang kilala niya ito? I think I saw him somewhere? Nang makalapit na ito sa kanila at mas lalong natitigan may bigla siyang naalala, yung lalaki sa elavator parang kamukha nito.
No! Hindi niya lang kamukha dahil siya talaga yan!
Pinilit niyang itago ang pagkagulat at pinakalma ang sarili dahil nag-uumpisa na namang mag-init ang ulo niya. Ito yung manyak na nang molestya sa kanya sa elevator ng minsang maghatid siya ng package sa ortigas.
Ang pagkunot ng noo nito ay unti-unting nawala. Nakita niya sa mata nito ang rekognisyon, amusement at galit? Galit ito sa kanya? Pero diba dapat siya ang magalit dito dahil sa nangyari?
"Bella, this is my son, Nicklaus Royce Villasis. Nicklaus this is Bella, Bella Sta Ana. your future wife." lakilala pa ni Mrs Villasis sa kanilang dalawa.
Blangko ang ekspresyon na nilahad niya ang kamay dito. Ngunit imbis na kamayan ay dinala nito sa mga labi ang likod ng palad niya at... at dinilaan ng hinayupak! nanlalaki ang mga mata na binawi niya ang kamay. Tumingin siya sa mga kasama nila kung napansin iyon pero mukhang hindi naman. Nang balingan niya ang binata ay nginisian lang siya at baliwalang lumapit sa mga magulang niya para bumati.
Naniningkit ang mga matang sinundan niya ito ng tingin.
To be continued...