Tumayo siya. Bago siya tuluyang sumunod kay Celine, sumulyap muna siya sakin. Bakit parang ang bigat ng tingin niya? Parang may gusto rin siyang itanong. Pagkaalis nila, unti-unting tumahimik mesa. Hanggang sa nagsalita si Leo. “You okay?” Napatingin ako sakanya. Ngumiti siya nang maliit. “Kanina ka pa kasi tahimik.” “Ayos lang ako.” Napangiti siya nang konti. “Hindi ka marunong magsinungaling.” At weirdly enough…iba pakiramdam kapag siya nagsasabi nun. Hindi tulad kay James. Kay James kasi…pakiramdam ko nakikita niya talaga ako. Yung totoong ako. “Leo,” mahina kong sabi habang nakatingin sa mesa, “thank you.” “Hm?” “Sa support.” Ngumiti ako nang maliit. “Hindi mo naman kailangan gawin lahat ‘to.” Tahimik siya sandali. Then ngumiti. “Oo nga,” mahinahon niyang sabi. “Pero gusto

