Spending the night by the shore. Iyon ang napagkasunduan ng lahat na gagawin namin sa gabing ito. Naging sakto ang pamamalengke nina Timothee para sa gawaing iyon. Kapag malapit sa baybayin, may bonfire tapos maya't maya ang pagbabad at pag-ahon sa malamig na tubig sa dagat ay ang mabilis din na pagkagutom ng katawan. "Ito na iyong marsmallow," Haden declared while he lightly taps his finger against the packaging. Nilabas at dinayo pa nila ulit ang pagkain na iyon sa bayan. Dahil biglaan at wala naman kasi sa plano ang pagtambay namin dito. Hindi na sumagi pa sa isip ng mga namalengke na bumilis ng mallows. "Jacob." Mabilis itong tumayo mula sa bean bag kung saan siya sobrang kumportable na nakaupo. "Hmm?" "Tulungan mo si Rizza na tuhugin itong marsmallows," utos ni Haden. Jacob

