Iyong after party ng show almost two weeks ago. Iyon na ang huling beses na nakita ko ang kahit na sinong member ng DNI. Wala sa kanilang active sa social media, mapa-private account man o iyong public account nila as a group. Isang linggo naman na ang lumipas simula ng huling beses kaming nagpadala ng pr package para sa kanila. Kung nakita na ba nila iyong pr package na iyon o na-stuck lang somewhere sa MB Entertainment, no one from Twenties knows. Hindi masagot ni Inez dahil halos hindi rin sila nakakapag-usap ni Yael. If they do, of course, sapat lang iyon para magkumustahan silang dalawa. “Ma’am Rizza, ubos na po iyong stock natin ng diagonals nylon jacket. Iyong sinuot po ni Jacob doon sa show.” From my laptop where I’m currently checking our monthly sales that kicked high after p

