Ian leans his body against the door of his red Maserati. Ginagawa nito ang sinabi niya sa akin na saka lang siya babalik sa loob ng kotse kapag nakapasok na ako sa loob ng bahay. Pagtapat sa pinto, bago ko pa mapihit iyong kulay gold na doorknob. Nilingon ko na siya. He wave his hand, telling me to come inside.
Dali-dali kong sinarado iyong pinto. Pinindot iyong nub ng seradura. Patakbo akong tumungo sa bintana. Iniangat ko iyong gilid ng nakababang blinds at doon na ulit sinilip si Ian. I give him more of my flying kiss when our eyes met before he opens the door of his car and slide in.
Naiwang nakabukas iyong tv pero wala na si Inez naiwan ko rito sa sala nang nilabas ko si Ian. Umakyat na siguro iyon para magpahinga.
Ilalapag ko pa lang iyong cellphone sa center table para ligpitin na ang pinagkainan ko ng popcorn. Umilaw iyon ay nag-vibrate dahilan para silipin ko ito. Nang makita ang text galing kay Ian. Tuluyan ko nang hinawakan iyong cellphone at binuksan iyong message niya.
Love:
[Tomorrow, at eight in the evening. Promise, it won't be cancel this time.]
The text message brought a joyous smile on my lips.
[Okay.]
[Good night. Matutulog na ako. Will text you tomorrow, love. I love you.]
Pagka-send ko non sa kaniya. Hindi ko na rin nilingon pa iyong phone kung nakapag-reply ba siya agad o hindi. Nagdire-diretso lang ako sa pagliligpit at pagpupunas ng lamesa. Nahawakan ko na lang ulit iyong cellphone nang paakyat na ako sa kuwarto.
I walk straight to my humidifier. Alam na ng daliri ko kung anog essential oil ang dadamputin para ipatak sa humidifier. The lavander oil that Rothe got me from her recent trip in Europe soothes me a lot. Malaki rin ang naitulong non para makatulog ako ng mas mahimbing. When I see her again, I'll thank her for the second time.
Sinigurado ko munang naka-set ang alarm clock ko ng ala-singko bago kinapa iyong switch ng lampshade para mapatay na iyon at makapagpahinga na.
The morning came and there's a little change in my routine. Pagmulat ng mata at pagbangon sa kama. Inaayos ko na agad ang aking kama. Hindi iyon ang nangyari ngayong araw. Masiyado akong sabik na makipag-date kay Ian mamayang alas-otso na pagkagising ko, sa damitan ako unang nagpunta para humanap ng maisusuot.
"Good morn---" Nabitin sa lalamunan ni Inez ang dapat na sasabihin nito nang harapin ko siya matapos dalhin sa lamesa ang milk loaf na tinoast ko.
Mula ulo hanggang paa akong pinasadahan ng mga mata nito.
"Ay, sis." Humila ito ng upuan, "Anong mayroon? Bakit may pa loosely draped oversized shirt dress ka? Ganiyan talaga ang suot mo habang nagtu-toast ka at naglu-luto ng dalawang pirasong sunny side up." Mabuti na lang hindi ko pa sinuot iyong white pointy toe stilettos na kapares nitong dress. Mas lalo sigurong mapangkastigo ang mga mata ni Inez kung naabutan niya ako rito sa kusina na kumpletong-kumpleto na ang bihis.
"May date ka?"
I nodded my head. Umupo ako sa tapat ni Inez at inabot iyong coffee maker para makapagsalin sa aking tasa, "Ian clear his schedule tonight for dinner," kinikilig kong sinabi. Habang pinipilas ko ang toasted na tinapay. Lumalapad nang lumalapad ang ngiting nakasampay sa aking labi.
I can't wait to spend the night with him.
"MISS RIZZA!" Lumabas si Ilouie mula sa counter nang makita niya ang pagpasok ko ng boutique.
"Dineliver na po galing sa warehous iyong mga samples."
"Inakyat ba nila sa office?" Agad itong tumango sa akin. Iyon lang ang kailangan kong marinig mula rito.
Nakabukas na iyong air purifier sa office. Bagong palit na rin ang mga bulaklak sa flower vase.
"Kanino galing itong mga bulaklak? Nagpasuyo ka ba kay Ilouie kahapon?" tanong ko sa kakapasok at hindi pa nga nakakalayo sa pinto na si Inez.
She shakes her head and then paste her eyes back on her phone. Abalang-abala na ito roon, she is probably chatting with Yael right now.
Bothered kung saan galing iyong mga bulaklak na nasa vase. Bumaba ako ulit para makausap si Ilouie.
"Iyan po? May nagpa-deliver po. Marami po 'yan." Tinuro ni Ilouie ang mga vase na nasa costumer lounger, cashier, end table at iba pang panig ng boutique, "Para sa Twenties mismo iyang mga bulaklak. MB Entertainment po ang nagpa-deliver. Token of gratitude siguro para sa pag-sponsor niyo sa DNI."
I stared at the beautifully arranged flowers on the vase. Napaka-uplifting ng mood na makita ang mga bulaklak na 'yon.
"Anong sabi ni Ilouie?" tanong ni Inez nang mamalayan nito na nakabalik na ako sa working table. Inalis nito ang tingin sa kaharap na laptop.
"Galing daw ng MB Entertainment iyong mga bulaklak. Ang dami nilang pinadala. Lahat ng vase sa baba napalitan," anas ko. I opened my laptop and the first thing I saw, is a stolen picture of Ian. Doon ito kinuhaan sa snack bar sa taas, "Ikaw na ang bahalang magpasalamat sa kanila," I said.
"Why me?"
"Kasi mas madali? You can talk to anyone there."
"Ikaw ba hindi?"
"Hindi. Si Miss Fei at Miss Jean lang ang nakakausap ko roon at iyong ibang staff na ipinadadala nila para kumuha ng product. Ikaw lang naman itong may personal na connection sa kanila," I said, it's a matter of fact. Purely business ang involvement ko sa MB at buong DNI.
"Mag-a-undertime ka ba ngayon? Susunduin ka ni Ian?"
"Nope. I'll leave kapag closing na talaga. Hindi magugustuhan ni Ian na basta-basta ko na lang iiwan ang Twenties ng hindi pa oras ng pagsasara."
Inez shrugs her shoulder. Pinagsisihan niya yata na nagtanong pa siya ng ganito sa akin.
Sinilip ko ang cellphone ng may mag-notif galing sa i********:. Jp, posted a story. Simpleng typed in text lang ang naroon.
Today, I found out that I'm allergic to flowers.
Agad na tinakbo ng mga mata ko ang bulaklak na nasa flower vase at natulala na lang ako sa mga iyon.
Idea niya ba iyon? Ang magpadala ng bulaklak dito?