Mag-aala dos na ng madalingg araw nang namalayan ni Rizza ang oras. Kung hindi niya pa nga nahagip iyon sa cellphone ni Jacob. Magpapatuloy pa sana ang kawalan nito ng kaalaman tungkol sa oras sa sandaling ito. Kanina pa nila narating ang bayan ng Subic. Si Jacob na nasa isang oras din sigurong nagpatugtog at sumasabay sa mga kanta ay napagod na. Bago niya pinatay iyong music ay kinumpirma niya muna kay Rizza kung nakikinig pa ba ito o hindi. "Sana may breakfast na," Jacob commented. It's a wishful thinking. Walang kalam-alam si Rizza sa lugar na pupuntahan nila sa Subic kasi hindi niya naman na natanong iyon kay Inez. Isa lang ang malinaw sa kaniya sa mga oras na ito. Walang hotel ang magsi-serve ng breakfast ng alas dos ng madaling araw regardless kung malaki ang binayad sa kanila ng

