"Why don't you ask yourself that question then? Ikaw naman itong hindi makapagdesisyon mag-isa. Stop making it look like I am controlling your life, Riz. Kasi ikaw naman iyong may gusto ng ganoon. Ikaw itong hindi makakilos ng hindi hinihingi ang opinyon ko." My jaw drop hearing those from him. Hindi ako makapaniwala na nagtatalo kami ng ganito kalala, na pinapantayan ni Ian ang taas ng emosyon ko at parehas kaming ayaw magpatalo. "Itigil mo iyong kotse baba na ako," utos ko rito nang hindi na siya tinitingnan pa. Nakahawak na ako sa handle ng pinto. Handa na akong hilahin iyon at itulak pabukas para makalabas na agad ako sa oras na bumagal na ang takbo ng sasakyan ni Ian. "Ihahatid kita sa bahay niyo." "Ian ang sabi ko itabi mo iyong kotse at baba ako. Hindi mo iyon naintindihan? P

