Chapter 34

2184 Words

"BAKA kulang lang sa lambing ang asawa mo," wika ng kaibigang si Aria sa kanya ng tawagan niya ito. Tinawagan kasi niya si Aria para i-kwento ang pagiging moody ng asawa niya. Nagsimula iyon kahapon, iyong pumasyal sila sa bahay ng magulang nito at nang kausap nila ang kapatid nitong si Ivan. Simula noon ay hindi na siya pinapansin ni Gregory. Kibuin-dili lang siya nito. Noong araw nga iyon ay pinipilit sila ni Mama Nancy na do'n na magpalipas ng gabi, do'n na silang dalawa na matulog pero tumanggi si Gregory. Sinabi nitong kailangan nilang dalawa na umuwi sa may Pampanga dahil may importante daw itong gagawin do'n. At hindi na ito napilit ng Mama nito dahil napaka-seryoso nito. Kahit nga noong pauwi sila ay hindi ito nagsasalita, kahit nga iyong sakay sila ng helicopter papunta sa Pampamg

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD