"COME in," wika ni Gregory ng marinig niya ang mahinang katok mula sa labas ng pinto ng opisina niya. Mayamaya ay bumukas-sara iyon. Hindi naman na niya kailangan mag-angat ng tingin dahil alam naman niyang si Simon ang pumasok sa loob ng opisina niya. Naramdaman naman niya ang mga yabag nito palapit sa kanya. At sa pagkakataong iyon ay inalis niya ang tingin sa harap ng laptop at inilipat niya iyon sa mga folder na inilapag nito sa executive table niya. "Sir, you need to sign this paper also," wika nito sa kanya. Nagpakawala naman siya ng malalim na buntong-hininga. "Okay. Leave it there," wika niya dito nang mag-angat siya ng tingin. "Okay po, Sir. Balikan ko na lang po mamaya kapag natapos niyo na," wika nito. Isinandal naman niya ang likod sa swivel chair ng tumalikod na ito

