KINAGAT ni Paige ang ibabang labi nang makita niya ang sariling repleksyon sa salamin. She was wearing a black two piece. Sa suot niya lalong lumutang ang ka-sexy-han at kaputian siya. She has the right curves and the right places. Siyempre sa klase ng trabaho niya ay kailangan niyang i-maintain ang katawan. Hindi lang kasi sa pag-arte ang puhunan sa showbiz, dapat may hitsura at maganda din ang pangangatawan niya. Kasi minsan, ang mga fans ginagawang inspiration ang mga idol nila. Saglit pang nakatitig si Paige sa repleksyon niya sa salamin hanggang sa tumalikod siya at lumabas siya ng kwarto sa yacht na sinasakyan. Nagtuloy-tuloy din siya sa paglalakad hanggang sa lower deck ng yate kung nasaan si Gregory at hinihintay siya. Nagyaya kasi ito na mag-swimming sila sa dagat. Pumayag siya

