FOR Paige, life must go on. Kahit na maraming intriga na dumadating sa kanya ay patuloy pa din siya. Hindi naman kasi ibig sabihin na, kapag maraming intriga ay hindi na siya magpapatuloy. She's working for almost 10 years, marami na din siyang pinagdaanan sa buhay at hindi siya papayag na bumagsak dahil lang sa isang issue na wala namang katotohanan. Kaya pagkaalis ng magulang niya sa condo niya ay nag-prepare na siya para sa pictorial niya sa isang magazine. Kinausap nga siya ni Miss Angel kung gusto niyang ipare-schedule ang pictorial. Kung gusto daw niya ay ito na ang bahalang magsabi sa kompanya. Pero sinabi niya dito na itutuloy niya, wala namang dahilan para ipare-schedule iyon. Tinawagan na din niya si Asunta na sunduin siya nito. Hindi naman na siya nag-ayos dahil aayusan nama

