BLANGKO ang ekspresyon ng mukha ni Gregory ng tumayo siya mula sa pagkakaupo niya. Pagkatapos niyon ay binalingan niya si Margie na kausap niya sa sandaling iyon. "I warned you, Margie. Kapag inulit mo ang ginawa mo kay Paige ay hindi mo magugustuhan ang kaya kung gawin. I can destroy your career in just a snap of my finger," banta niya dito habang blanko pa din ang ekspresyon ng mukha na nakatitig siya dito. Hindi na din niya ito hinintay na magsalita. Sa halip ay naglakad na siya paalis sa harap nito. Tuloy-tuloy naman siyang naglakad palabas ng restaurant kung saan sila nagkita na dalawa. Inutusan niya ang secretary niya na si Simon na mag-set ng appointment sa babae. And it takes one day para magkaroon siya ng appointment dito. Mabuti na nga lang din at pinaunlakan siya nito. At

