“Hey.” Napakapit ng mahigpit si Luna sa mga braso ni Marco nang maramdaman ang pag-alalay nito sa kaniya. Hindi niya namalayan ang paglapit nito sa kaniyang likuran, at kung hindi ito naging maagap ay baka nagtuluy-tuloy siya sa sahig. Inalalayan siya nitong maupo sa single sofa na nasa gilid ng higaan ni Ryu. Napatingala siya rito at umusal ng pasasalamat na sinagot lang nito ng tango. Lumampas ang tingin niya kay Marco nang makita ang pagpasok ng iba pang mga kaibigan ni Ryu. Si Mrs. Donovan na biglang nag-alala sa nangyari sa kaniya ay nagsalita. “I know you are tired from a long flight, hija. Mabuti sigurong magpahinga ka na muna doon sa guest room.” Sunud-sunod siyang umiling. “I’m.. fine, Ma’am.” Muli niyang ibinalik ang tingin kay Ryu. “Please… I need to know more of what hap

