His words are still ringing in my head. I don't know how much time has passed with just me staring at him with disbelief. Seryoso ba talaga siya sa sinabi niya? Kung ano-ano na lang nangyayari sa akin ngayong araw. Epekto ba 'to ng pag-alis ko mag-isa? Dapat sigurong iwasan ko na 'to sa susunod. "I am serious, Scylla. I won't take no for an answer." Halos malaglag na ang panga ko sa dinagdag niya. Tinanong niya pa ako kung ipipilit din pala niya ang gusto niya. May saltik talaga 'tong isang 'to. Ano bang nahithit ng lalaking ito at ganito siya magsalita? "Are you drunk?" I paused and gasped loudly, "or you're clouded with drugs right now?" Nanlaki ang mata niya at agad na umiling. "The hell, Scylla. Do I like some kind of drug addict to you?" Nagkibit balikat ako. "I never know."

