“Thank you for today,” anas ko ng makalabas kami ng bahay. Nakailang oras din kami sa loob noon. Kung ano-ano rin ang kinuwento niya sa akin kaya mas napahaba ang pag-iikot namin doon. “That was nothing, Scy.” Nginitian niya pa ako matapos niyang isara iyong pinto at ibalik na sa paso 'yong susi na parang walang nangyari. “If you want to go back here. I'll gladly tour you around again. Sabihin mo lang.” “Will do, Eos.” “Malapit na maggabi,” puna ko matapos iikot ang paningin ko sa paligid. Nasabi naman siguro ni Manang sa mga kapatid ko iyong bilin ko 'no. Baka mamaya nagpa-panic na pala sila roon 'tapos ako heto at nage-enjoy maningin ng mga antique. “Uuwi ka na?” tanong nito sa akin. “I'll drive you home!” Natawa naman ako sa ginawa niyang pagprisinta. “May dala akong sasakyan,

