My brother picked a newly opened steakhouse, as what my sister has described it. Wala talaga akong masyadong alam sa ganito. Ni hindi ko nga malalaman na bagong bukas lang 'to kung hindi sinabi ni Ate Aly. "I've been aiming to come here with my friends. Sabi kasi nila masarap talaga ang steak nila dito kahit bagong bukas lang sila," paliwanag ni Ate Aly sa akin, "it's okay to be clueless about it. Mas nakakapagtaka pa kung ikaw ang updated kaysa sa aming tatlo e ikaw itong hindi palalabas. Ngayon ka lang naman lumalabas ng bahay. And La Puerte is big enough for you to explore just in a day. Take your time, Scy. No one's gonna judge you for it." Napansin niya siguro ang malalim kong pag-iisip about doon. Nakahinga ako nang malalim matapos niyang sabihin 'yon. Pakiramdam ko kasi ang ignor

