"Can we rest for a while?" nanghihinang tanong ko. I feel like my knees would melt if I take another step. Halos masakyan na namin lahat ng extreme rides dito sa amusement park. Si kuya, as usual, ang energetic pa rin pero ako nasa limit na. "How weak, baby sis," tukso nito. "Shut up, kuya." Iniripan ko siya. Umupo na ako sa malapit na bench na nakita ko at pumikit. Sino ba naman kasing may kasalanan 'di ba? Siya etong namilit sa akin na sumakay ng sunod-sunod tapos lahat 'yon talagang babaliktad ang sikmura mo at may lakas pa talaga siya ng loob na sabihing weak ako?! Maswerte pa nga ako at kinaya pa ng katawan ko. "I'll buy you some water, wait for me right here." Gusto ko pa sanang makipag-argumento sa kaniya na paano pa ako makakaalis sa pwesto ko e nanghihina na nga ako pe

