Kung nakakamatay lang talaga ang masamang tingin baka kanina pa ako patay sa harap ni Eos. Nandito pa rin kaming dalawa sa cafeteria. Naubos ko na 'yong dessert ko pero siya tinitipid pa rin 'yong kaniya. Hindi ko nmaan siya maiwan kaya no choice ako kung hindi ang antayin siyang matapos kumain. Wala na akong ibang magawa kung hindi ang panoodin siyang kumakain habang pilit na isinasawalang bahala iyong mga tingin ng mga babae sa paligid namin. "Matagal ka pa ba?" naiinip kong tanong rito. Nakapatong na ang baba ko sa kamay ko habang pinapanood siya. "Your stares are making me distracted." "Watching you eat is making me bored," balik ko sa kaniya. Gustong-gusto ko na talagang bumalik sa classroom namin. Parang anytime may susugod sa akin dahil sa isang ito. "Bakit ka ba kasi nagmamad

