"Puno na doon," I said, stating the fact. Nilingon naman niya agad ang nasa unahan naming dalawa. "Hindi naman." I knitted my forehead at him. Anong hindi ang sinasabi nito? "Can't you see how packed they are, Eos?" "Madami pang pwesto sa bench namin." Hindi na niya ako hinayaang sumagot pa at agad na hinila ako patayo. Marahan at maingat niya akong kinaladkad papunta sa bench kung nasaan ang mga gamit nila ang iba pang teammates niya. Ano na naman bang masamang espirito ang sumapi sa lalaking 'to? "What are you doing?!" bulong ko pagkaupo niya sa akin. Wala akong katabi kung hindi isang bag. May kalayuan ang pinagpwestuhan niya sa akin sa kumpol ng mga teammates niya. "Sit here," malawak ang ngiting wika niya. Murmurs from our classmate started to fill the atmosphere. Gaya ko, n

