Dumaan muna kaming flower shop bago dumiretso sa sementeryo. Medyo nagtagal kami dahil kinamusta pa kami noong nagtitindi. Favorite kasing flower shop ni lola ’yon kaya sa kanila talaga kami bumibilikada bibisita kami. Naalala ko pa kung paano tatawag si lola para lang magpa-deliver ng panibagong bulaklak dahil palanta na iyong mga nakalagay sa lamesa. May garden naman kami na punong-puno ng bulaklak pero sabi ni lola iba daw ’yong bulaklak doon kaya gusto niya pa ring bumili. Mahilig kasi talaga si lola sa bulaklak dahil palagi raw siyang dinadalhan ni lolo noong nanliligaw pa si lolo sa kaniya. “Iyang lolo mo apo jusko hindi maaari ng hindi magdadala ng bulaklak kada bibisita. Minsan nga ay nahuli ko pa siyang pumuputol ng bulaklak sa kapitbahay namin dahil nakalimot siyang bumili.

