Knight Caspian Naglalakad-lakad ako sa ibaba ng burol. Nagpapalipas lang ng oras. Isinilid ko sa bulsa ng pantalon ko ang mga kamay ko saka tumingala sa burol. Kababa ko lang galing sa pagbisita kay Caliyah nang maalala ko si Light, lumabas nanaman siya kasama si Kairi at Tamara. Pinsan niya si Kairi samantalang tiyahin naman nila si Tamara na halos mas bata sa kanila ng ilang buwan. I decided to wait for them dahil padilim na pero wala pa rin ang mga pasaway na bagets. Naiinis na ako sa tatlong 'yon. Tumingala ako sa kalangitan. It's been three years since she left us pero sariwa pa rin sa isip ko ang huling sandali na kasama ko siya. I missed her so much. Habang palakad-lakad ay nakaramdam ako ng presensiya ng isang bampira. Nangunot ang noo ko at nilingon ang puno na hindi kalayuan s

