Kabanata 43 Third Person's Point Of View "Sino ba yung Light na hahanapin natin?" Kunot-noong tanong ni Drake kay Dark. Nasa isang bakanteng lote na sila. Sa totoo lang hindi alam ni Dark kung bakit tila dinala sya ng sarili nyang mga paa dito. Pero hindi na mahalaga iyon. Dalawang araw na nyang hinahanap si Light at hindi na nya alam kung anong gagawin. Hindi pa man nakakapagpahinga ay hiningi na niya ang tulong ni Drake para hanapin si Light nanga kahit papaano ay may makatulong siya. "Sino ba talaga si Light?" naiinis na tanong ni Drake pero hindi pa rin sumagot si Dark. Napamura nalang ng malakas si Drake dahil sa pambabalewala ni Dark sa kanya. Kanina pa sila naghahanap at malapit nang dumilim. Nasabi na ni Dark ang lahat-lahat kay Drake maliban nalang ang tungkol kay Light

