Kabanata 24 Caliyah's Point of View "Caliyah." Nanigas ako sa kinauupuan ko at nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Knight na nakapatong sa bandang tiyan ko. Naka-upo kasi sya sa sofa at nasa gitna ako ng dalawang hita nya, nakaupo habang yakap nya ako sa mga bisig nya mula sa likod. "Get lost." malamig at matalim na sambit ni Knight habang ako ay kinakabahang nakatingin sa isang lalaking nakatayo hindi kalayuan sa amin ni Knight. Ano bang ginagawa nya dito? Ano ba talagang gusto nyang mangyari? Ayoko nang saktan si Knight. Ayoko nang magpatukso sa kanya dahil aaminin ko, alam ko sa sarili ko na may puwang siya sa puso ko. Nagustuhan ko siya. Siguro dahil naibigay niya ang pagkukulang sakin ni Knight. Ang atensyon at pagmamahal. "No. Kakausapin ko si Caliyah." pagmamatigas ni Jairus.

