Kabanata 17 Caliyah' Point Of View Pang anim na araw na simula nang dumating si Knight. Simula rin noong gabing puntahan ako ni Jairus ay hindi na ako kinausap pa ni Knight. Sobrang nasasaktan ako sa pambabale wala nya sakin. Alam kong malaki ang kasalanan ko at deserve ko ito pero hindi ko pa rin maisawang hindi sumama ang loob sa kanya. Naalala ko nanaman ang pagbabanta nya sa akin. Natatakot ako! Hindi para sa sarili ko kundi para sa kahihinatnan ng nangyari sa amin ni Jairus. “Caliyah” Napaigtad ako nang biglang lumitaw sa tabi ko si Jairus, napausog ako habang tutok na tutok ang paningin sa kanya. Matapos ang gabing 'yon ay hindi na ulit sya nagpakita sakin, ngayon nalang ulit. “Anong ginagawa mo dito?” tumingin ako sa paligid. Nilakasan ko ang kalooban ko habang inihahanda ang

