Kabanata 20 Caliyah's Point of View "Cassandra" Namimilog ang mga matang yumakap ako ng mahigpit kay Cassandra. Isa sya sa mga kasamahan ko sa hospital at kaibigan ko rin. Cassandra Villareal is her name. "Gosh girl, ano bang nangyari sayo? Ang tagal mong nawala, halos araw-araw kitang tinatawagan. Pinuntahan pa kita sa apartment mo pero wala ka doon" inalog-alog ni Sandra ang mga braso ko kaya lumayo ako sa kanya Nilingon ko si Knight na nakatitig sa akin. Cassandra. Tila binuhusan ako ng malamig na tubig nang maalala ko ang pangalan ng babaeng kaharap ko at ang pangalan ng babaeng mahal ni Knight. Lumipat ang tingin ni Knight kay Cassandra, saglit lamang nyang tiningnan ito saka muling tumingin sa akin. "Ano? Anong nangyari sayo? Saka, sino sya?" Muli akong napatingin kay

