Kabanata 59 Victoria's Point of View “WALANGHIYA KA, VALERIO!” galit na galit na sigaw ko. I can't believed he found me! He actually found me and killed my cousin Lia. For God's sake asawa nya si Lia pero nagawa nyang patayin para lang sa kabaliwan nya! At ilang araw nya rin akong hinabol at sinundan-sundan at nagtagumpay nga sya kahapon lang. Tiningnan ko ang lugar na kinaroroonan ko. Isang magarang silid na may engkantasyon para mawalang bisa ang kapangyarihan kong maglaho at makatakas. Nakakainis! Ilang taon akong nagtago tapos natagpuan nya ako ng ganun-ganun nalang? Pabagsak akong naupo sa sahig. Ayoko ngang dumikit sa maruming kama na iyan. Alam kong diyan natutulog ang demonyong si Valerio. Gwapo sana ang hayop na iyon e kaso sira ang pag-iisip. Asawahin ba ang pinsan ko para m

