ZACT DANIEL POV.
Nagdaan ang ilang oras ay nakasandal ako sa board ng kama at patay ang ilaw na nanonood ako ng telebisyon. Pumasok si Clarissa karga ang anak namin. Tanging pants na puti ang suot ko at naka itim na sando nang mabungaran ako ni Clarissa.
"Bubuksan ko ang ilaw, ha." Paalam nito at binuksan ang ilaw. Doon mabilis hiniga ni Clarissa si Hailey sa kama at sumunod pumasok si Sonia. Nakita kong nagpapalit ito ng diaper ni Hailey at dahan-dahan ako bumaba ng kama para tumungo palabas ng kuwarto.
"Oy-oy! Saan ka pupunta? Nababahuan ka ba?" mabilis na saad ni Clarissa.
"Hindi ah, kukuha ako ng beer," sambit ko.
"Si Sonia na lamang Zact, tulungan mo ako rito kay Hailey," saad ni Clarissa at natigilan ako.
"Naku, ma'am Clarissa. Ako na po ang tutulong sa inyo," sabat ni Sonia.
"Sige na, Sonia. Ikuha mo ako ng beer," saad ko at lumapit kay Clarissa.
"Anong gagawin ko?" saad ko ngunit matalim lamang ang tingin ni Clarissa sa akin.
"Bakit ganiyan ka makatingin?" saad ko rito.
"Wala," tipid na saad nito at inabot ang gamit na diaper sa akin.
"Paki tapon na lang ito." Abot nito sa akin ng gamit na diaper at sinunod ko naman ito.
"Iyong video mo sa stag party, pinagpe-pyestahan na," biglang saad nito at napalingon ako rito.
"Don't be mind that," tipid na turan ko rito at hindi na ito nagsalita pa.
Natapos ang gabi at lumipas ang mahigit isang taon sinabi kong huwag na namin pag usapan pa ni Clarissa ang tungkol sa video. Marami akong dapat intindihin at wala akong pakialam sa video na iyon, nalaman kong naglabas ng malaking pera si Uncle na Ama ni Luke. Dahilan para pansamantalang nakalaya si Luke. Wala akong sinayang na araw at oras, sinubsob ko sa trabaho ang sarili ko upang mabawi ko ang mga naluging pera sa kompanya. Kasalukuyan akong naupo sa harap ng mesa ko nang makitang tumatawag si Clarissa sa phone ko.
"Babe," sambit ko sa linya.
"Hindi ka pa ba uuwi, Zact?" tanong ni Clarissa at napangisi ako.
"Why? Did you miss me?" saad ko.
"Hinihintay ka kasi namin ni Hailey, nakatulog na lamang siya kahihintay sayo," mahabang saad sa kabilang linya.
"Pauwi na ako, tatapusin ko na lang 'to," turan ko.
"Okay, hihintayin kita," sambit ni Clarissa akmang ibaba ko na ang linya ngunit muli ito nagsalita.
"Dumaan ka sa grocery, Zact. Bilhan mo si Hailey ng milk at diaper, ha," habol na saad ni Clarissa at napakunot ang noo ko.
"Babe, nagpautos ka na lang dapat kay Sonia," saad ko.
"Nakalimutan ko 'e. Hayaan mo na, ikaw na ang bumili dahil kailangan na Hailey ngayon," sambit nito at napapikit ako ng mariin.
"Okay-okay," sambit ko at pinatay na nito ang linya.
Doon pagod akong nasandal sa upuan at nagbuntong hininga, sinara ko ang loptop ko at tinukod sa mesa ang isang kamay. Hinilot ko ang sintido ko at nagsimula na tumayo sa upuan. Maya-maya ay hingal na pumasok sa opisina ko ang sekretarya ko.
"Sir," hingal na tawag nito sa akin nang makapasok sa opisina ko.
"Bakit?" kunot noo na turan ko.
"I will show you something," sambit ng sekretarya ko na kinakunot ng noo ko.
Mabilis ko iniligpit ang mga gamit ko sa mesa at ipinasok sa attachedcase. Lumabas ng opisina at sinundan ang sekretarya ko. Nang makalabas ako ng opisina at naglakad sa hallway doon natigilan ako nang mula sa malaking flatscreen ay nagkukumpulan ang lahat ng emplyado. Nang lingunin ako ng mga ito ay nagkaniya-kaniyang upo ito sa mga lamesa ng mga ito. Doon 'walang emosyon akong lumapit at pinanood ang video mula sa flatscreen. Video kung saan noon sa stag party at matagal nang lumabas at hindi ko binigyan pansin noon. Isa-isa kong tinapunan ng tingin ang mga empleyado ko hanggang sa napalingon sa taong nagsalita at kararating lang.
"Napanood ko rin iyan, nakakasuka Zact," sambit ng taong kararating lang.
"Nakalaya ka na pala?" 'walang emosyon saad ko.
"Yeah, 'wala naman ako kasalanan kaya hindi ko alam kung bakit kailangan ko magtiis roon," turan nito at mabilis ko nilingon ang mga empleyadong nakatuon pa rin at nanood sa video ko.
"Ponyeta! Patayin n'yo 'yan!" galit na sigaw ko sa mga ito at binalibag sa harap ng mga ito ang hawak kong attachedcase, hindi magkanda ugaga ang mga ito patayin ang flatscreen. Ngunit nagtaka ako nang muli magbukas ang flat screen. Doon matalim na napatingin ako kay Luke.
"Tanggalin ninyo sa saksakan," baling ko sa sekretarya ko at agad naman sinunod ako. Muli ako napatingin kay Luke at nagsalita.
"Paano iyan, may scandal ka. Nakakahiya sa propesyon na meron ka," nakangising saad nito at lumapit ako ng husto rito.
"Tantanan mo ako Luke," tipid kong sambit rito at namulsa lamang ito.
"Pinakulong mo ako ng 'wala naman akong kasalan, do you think palalampasin ko 'yun?" mahinang saad ni Luke. Doon matalim akong napatitig rito at nabaling at narinig ang muling pag tunog ng phone ko. Kinuha sa bulsa ko ang phone at sinagot habang hindi nag aalis ng tingin kay Luke.
"Nag prepare na ako ng dinner mo. Hihintayin kita, ha. Lalamig ito kung gagabihin ka ng uwi," sambit sa kabilang linya.
"Alright, pauwi na ako," saad ko sa kabilang linya at pinatay ang phone ko. Doon mabilis ako binalingan ng sekretarya ko at ibinigay ang attachedcase ko.
"Ayoko na makita ang pagmumukha mo rito." Duro ko rito at mabilis umalis sa harap nito. Lumabas ako ng gusali at sinalubong ako ni Mang Robert. Pinagbuksan ako ng sasakyan at sumakay.
Minaneho ni Mang Robert ang sasakyan nang balingan ko ito.
"Dumaan tayo sa grocery, may pinabibili si Clarissa," 'walang gana kong baling kay Mang Robert.
Doon hininto nito ang sasakyan sa tapat ng grocery store. Kasama ko pumasok si Mang Robert at binalingan ako nito.
"Anong bibilhin natin, Sir Zact?" tanong ni Mang Robert.
"Mang Robert, Zact na lang itawag mo sa akin," seryoso kong turan rito at natahimik ito. Bitbit nito ang cart nang malipat ang tingin ko sa mga diaper, doon kinuha at inilagay sa basket. Napansin kong nabigla si Mang Robert sa uri ng mga pinamimili ko ngunit hindi ko ito binigyan pansin.
"Sir, hindi dapat ikaw ang namimili niyan. Inutos n'yo na sana kay Sonia," saad ni Mang Robert.
"No, it's fine. Anak ko si Hailey, so i will," turan ko. At maya-maya ay muli naramdaman ang pag vibrate ng phone ko at mabilis sinagot.
"Yes, hello," sambit ko sa linya.
"Where are you?" tanong ni Troy sa kabilang linya.
"I'm here at grocery store, bakit?" sambit ko.
"Bro, kumakalat na naman ang video mo," sambit nito sa kabilang linya at natigilan ako.
"Tumingin ka sa news," saad ni Troy sa kabilang linya at mabilis ako umalis sa kinatatayuan ko at naghanap ng telebisyon. Doon mula sa counter ng kahera ay nabungaran ko ang video ko sa news.
"Sir, Zact. Ikaw 'yan di'ba?" saad ni Mang Robert na nasa tabi ko na pala. Nag igting ang mga panga ko sa galit at binalingan si Mang Robert.
"Mang Robert, umalis na tayo rito," mabilis kong sambit at akmang aalis nang matigilan ako at muli napatitig sa telebisyon. Doon lumantad at nag kwento ang isang lalaking pamilyar sa akin. Sinabi nito sa telebisyon na binayaran ko siya para bigyan aliw ako ayon sa video na napapanood. Sinabi rin nito kung sino ako at ang kompanya ng pamilya ko. Gumawa pa ito ng kwento kung saan ay panauhin ako nito sa isang bar at sinabing bixesual ako. Doon napansin ko ang lahat ng tao sa paligid ko ay nasa akin ang tingin maging ang mga kahera sa grocery strong ay nakatitig sa akin. Doon hindi ko na natagalan at lumabas na ako sa grocery store.
"Boss, ang pinamili natin," habol na saad ni Mang Robert.
"Ano pa! E'di dalhin mo?!" sikmat ko at nagmamadaling lumabas ng grocery store.
Nang makalabas ng grocery store mabilis ako pumasok ng sasakyan at tinawagan si Troy.
"Bullsh*t! Sino ang naninira sa akin!' galit na sambit ko sa kabilang linya.
"Hindi ko alam Pare, sigurado akong binayaran ang lalaking iyon para siraan ka," turan ni Troy sa kabilang linya.
"Where are you? Pupuntahan kita," huling sambit ko at nang patayin ang linya ay mabilis kong pinaharurot ang sasakyan ko. Tinawagan ko si Mang Robert at sinabing ihatid na niya ang pinamili namin kay Clarissa dahil may pupuntahan ako.
Nang makarating sa sinabing lugar ni Troy ay naratnan ko sa coffee shop nakaupo at naghihintay sa pagdating ko sina Troy, Edward at Gerry. Doon nagmamadaling pinasok ang coffee shop at nang makarating sa kinaroroonan ng mga ito. Malakas ko tinadyakan ang mesa dahilan nang pag laglag ni Troy sa upuan. Agad tumayo si Gerry at Edward at inawat ako.
"Look-what you did!" galit na sigaw ko rito at tumayo si Troy ngunit agad binalingan ni Edward upang hindi kami magpang abot nito.
"We can talk about it, Zact! Huwag kang paranoid!" galit na turan ni Troy.
"I don't get it bakit tayo umabot sa ganito Troy! Pero nag aalala ako kay Clarissa. Kung ano ang mararamdaman niya kapag nalaman niya itong nangyayari sa akin!" mahabang sikmat ko rito.
"Now i ask you, sino ang nag labas ng video, 'walang gagawa ng bagay na iyon kundi ikaw lang. Cause i know a lot of you!" galit na sambit ko rito.
"Hindi ko nga alam! And do you think i'm stupid to doing like this, sh*t!" sambit ni Troy at doon nilapitan kami ng ilang guwardiya sa coffee shop.
"At sino ang gagawa! Si Edward?! Si Gerry, e' ikaw at si Sarah ang pasimuno sa stag party!" galit na sigaw ko.
"Labas si Sarah, Zact. Ako lang at hindi siya kasali rito!" saad ni Troy at mahina ako natawa.
"Oh, come on. Akala ko kaibigan kita! Pero hindi, dahil put*ng in* ka pala Troy!" galit na turan ko rito. Akmang hahawakan ako ng guwardiya pero malakas ko tinabig ang kamay ng guwardiya.
"Huwag mo akong hawakan!" galit na baling na sigaw ko sa guwardiya.
"Let me remind you, Troy. Ginawa mo na rin ito kay Sarah matapos mo siya tirahin sa restroom at pahiyain sa aming lahat! 'Walang pinagkaiba!" galit na sambit ko rito at pilit nito gusto balingan ako ng suntok ngunit agad naawat nina Edward.
Matapos tapunan ko ng tingin si Troy, Edward at Gerry ay lumabas na ako ng coffee shop. Nang makalabas ng coffee shop ay napahilamos ako gamit ng palad at pumasok sa sasakyan ko. Pilit pinakalma ang sarili ko at nagsimula na patakbuhin ang sasakyan ko. Nagtungo ako sa isang bar at doon mag isa uminom ng alak. Mahigpit ang hawak ko sa baso habang tahimik nakaupo sa counter bar. Akmang sisimsim ng alak ngunit nabaling ang tingin ko sa phone ko na sa ibabaw at nakitang tumatawag si Clarissa. Dahan-dahan dinampot ko iyon at sinagot.
"Clarissa," sambit ko ngunit tahimik ang kabilang linya.
"I'm sorry pero late na ako makakauwi," saad ko rito hanggang sa mahina ito nagsalita.
"Hindi na kita nahintay kaya niligpit ko na ang mga pagkain. Sana sinabi mong hindi ka agad makakauwi para hindi na ako naghintay pa sayo," mahabang sambit ni Clarissa at natahimik ako. Doon namatay na ang linya at dahan-dahan ko ibinaba ang phone ko.
Ilang oras nagpasiya na ako umalis ng bar ngunit bago ako makalabas ay nilapitan ako ng isang babae hawak ang phone nito.
"Hi, baby. Ikaw 'to di'ba?" sambit ng babae sa harap ko at pinakita ang video sa phone nito. Doon ay napangisi ako at sumagot.
"Hindi ako 'yan. Mas guwapo ako diyan," pilyong turan ko at lumabas na ng bar.
Tinunton ko ang sasakyan ko at minaneho pauwi. Nang makarating sa bahay ay binuksan ang gate Mang Robert at pinasok ko ang sasakyan ko. Nang bumaba ng sasakyan ay napansin ko ang bote ng beer sa gilid ng lupa na tiyak ko kay Mang Robert.
"Mabuti naman dumating ka na, boss. Makakatulog na rin ako," saad nito at tipid akong natawa.
"Pasensya na," tipid na saad ko at kinuha nito ang bote na nasa gilid at tinungga.
"Mang Robert," tawag ko rito at nilingon ako.
"Ilang taon ka na pala nagta-trabaho sa amin?" bigla kong tanong at natigilan ito.
"Maliit ka pa lang noon, Sir Zact. Mahigit apatnapung taon na rin," turan nito at napangisi ako.
"Tagal na, Mang Robert," saad ko at nakangiting tumango ito, doon tinapik ko sa braso ito at nagpaalam na ako para pumasok sa loob dahil alam kong naghihintay pa rin sa pagdating ko si Clarissa. At doon ay hindi ako nagkamali dahil naratnan ko itong tahimik na nakaupo sa kama at hawak ang isang magazine. Nagsalubong ang tingin namin nito nang makapasok ako.
"Hinintay mo talaga ako," nakangising baling ko rito ngunit hindi ako pinansin at padabog na humiga ng kama. Hinubad ko naman ang sapatos ko at humiga sa tabi nito, niyakap ito mula sa likuran at bumulong rito.
"Clarissa, mahal na mahal kita," bulong ko ngunit inalis lamang nito ang kamay kong nakayakap sa bewang nito.