Masama ang pakiramdam ni Taurus nang magising siya pero pinilit niya pa rin ang sarili na gumalaw at tumayo; simula nang dumating sila sa Portugal ay hindi siya makatulog ng maayos, kahit ang kumain ay wala siyang gana. Maribela and her effect towards him. "How do you feel bro?" Nag-aalalang tanong sa kanya ni Vladimir na kakalabas lang mula sa banyo; inabutan siya nitong umuubo at bahing ng bahing. He just thumbs up, masyadong masakit ang lalamunan niya para magsalita. "Sigurado ka? I can tell dad to ask for a doctor." Umiling siya; he doesn't want to make a big deal out of what he is feeling right now, simpleng trangkaso lang ang nadarama niya, hindi pa naman siya mamatay. He will not allow himself to die; not until he will have Maribela again, and have a wonderful life with

