Naglalakad-lakad si Lucian sa lungsod ng Ponte de Lima kasama ang kanyang personal na gwardya na si Felipe, nililibot nila ang buong lungsod para mas kilalanin ang kanilang nasasakupan. Napakunot ang noo ni Lucian nang makita ang tumatakbo niyang tiga-silbi pasalubong sa kanila. "Duke Lucian," humahangos na anas ng tiga-silbi at yumuko muna sa harap ni Lucian bago ito tumayo ng tuwid at tila hinahabol ang paghinga. "A letter from the palace," dagdag nito tsaka binigay kay Lucian ang sulat. Dali daling binuksan ni Lucian ang sulat na mula sa tapat niyang tiga-silbi na iniwan niya sa loob ng palasyo upang maging mata at tenga sa lahat ng mga kaganapan at balita. Duke, Maribela fala com o rei. Espalham-se rumores de que ela nao faz mais parte da monarquia; ela vai voar para fora do

