Kulang nalang ay mabuga ni Maribela ang iniinom na tsaa nang biglang umupo sa harap niya sa gazebo si Taurus; sumulyap sa gawi ni Ferdinand na nakuha naman ang pinapahiwatig niya. "Excuse me Sir, but you are not allowed to sit with the princess," magalang na sabi ni Ferdinand. Luminga si Taurus at sandaling sinulyapan si Maribela. "Prince Lucius asked me to wait her," walang pakialam na pagdadahilan ni Taurus at muling ibinalik ang mga mata sa telepono. "Sir, you can wait outside the gazebo." "What? Didn't you hear me? Prince Lucius asked me to wait HERE," may diin na salita ni Taurus; naiirita na rin siya sa personal guard ni Maribela, daig pa nito ang buntot kung makasunod sa babae. Winawaksi na nga lang ni Taurus ang iniisip na baka may gusto rin ang gwardya kay Maribela; p

