Saint Petersburg, Russia "Sinabi ko na kasi sa 'yo Nina, hindi magandang ideya ang iwan si Nikolai doon tapos hindi kayo marunong makinig. Paano nalang kung may nangyari na masama sa apo ko? Aba maibabalik niyo bang mag-asawa ang buhay ng Nikolai natin?" "Ma, everything is fine na. Nakauwi na nga si Nikolai. Magrelax ka na nga po." "Naku Nina, I can't relax. Aba muntik mapahamak ang apo ko." Napahilot sa sintido niya si Taurus, simula ng makabalik siya sa kanilang tahanan sa Saint Petersburg, Russia ay hindi natigil sa pagtatalo ang kanyang ina at lola; muntik pang atakehin sa puso ang kanyang lola sa nalaman na kamuntik mangyari sa kanya sa isla. "At Nikolai sino iyong babae na sinasabi ni Pilita na kasama mo sa isla? Akala ko ba ay mag-isa ka lang sa isla?" Binaba ni Taurus a

