Napatalon si Maribela mula sa higaan, hawak niya ang puso niya at pabalik-balik ang tingin sa matandang babae na nasa tapat ng pinto at kay Taurus. Muntik ng makuha ni Taurus ang unang halik niya sa labi; ngunit hindi alam ni Maribela kung dapat ba siyang magpasalamat sa bagong dating o mahihiya. "Pasensya na po kayo Sir Nikolai, hindi ko po alam na may kasama pala kayo," ani ng pilipinang taga-linis ng kanilang kabina. Hindi masyadong naintindihan ni Taurus ang sinabi ng kanilang katulong pero tinanguan niya lang ito. Nanghihinayang siya sa dahilan na hindi manlang niya natikman ang labi ni Maribela; ngayon na andito na ang maglilinis at naghatid ng supplies ay wala na talaga siyang pag-asa pa. Naiinis nga siyang isipin na napaaga ang mga ito. Akala pa naman niya may isang lingg

