Ika - Labing Pitong Pahina - Tragedy

1904 Words

Nagising si Maribela na may naramdamang malagkit na bagay sa pagitan ng hita niya; mabilis siyang bumangon mula sa higaan at dumeretso sa banyo. Madilim pa pero alam niyang maya-maya lang ay magigising na din si Taurus na nasa baba at mahimbing na natutulog. Sa pag-upo ni Maribela sa toilet bowl ay tama nga ang hinala niya, dinatnan siya ng kanyang buwanang dalaw. Her menstrual period is irregular, kaya nang hindi ito dumating noong nakaraang buwan ay hindi na siya nagulat pa. Hinubad niya ang suot na panty tsaka iyon nilabhan. Binalot niya ng tuwalya ang pang-ibabang katawan at mabilis na naghalungkat sa mga gamit ng ina ni Taurus para maghanap ng napkin; nakahinga siya ng maluwag ng may nakita siyang tampon. Nakakahiya naman siguro kay Taurus kung magkanda-kalat ang dugo niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD