Today is a very special day for Taurus; hindi man sila opisyal na magsintahan ni Maribela ay parang ganoon na rin 'yon. Ang kailangan niya lang naman gawin ngayon ay patunayan sa babae na malinis ang kanyang hangarin. Hindi siya magkamayaw sa pag-aayos ng mesa, ilang beses na niyang pinapalit palit ang posisyon ng pagkain, plato maging mga baso. Mas maaga siyang nagising ngayong araw pero hindi para tumakbo kundi para ihanda ng breakfast si Maribela. "Christ, what's happening to me," usal niya sa sarili. Hindi mahinto ang puso niya sa kaba samantalang hindi naman ito ang unang beses na kakain sila ni Maribela ng sabay. Nang gumanda na sa paningin niya ang set-up ng mesa ay dali-dali siyang umakyat sa silid kung saan mahimbing na natutulog pa rin si Maribela. Sandali niya muna

