CHAPTER TWENTY [NATE POV] " I'm sorry I cant marry your daughter Sir.. I can---- Boooooogsssshhhhh Hindi ako nakaiwas sa pagtama ng kamao ng tatay ni Reece sa kanang pisngi ko.. Pumutok na din ang labi ko.. Napamura ako sa isipan ko.. May pasa pa nga ako galing sa suntok na ibinigay ni Ethan sa akin noong isang araw mukhang madadagdagan na naman.. Akmang tatayo ako pero hinablot lang ng tatay ni Reece ang kwelyo ng damit ko.. Galit na galit siya.. Kulang na lang patayin niya ako sa tingin.. Handa na ako na ganito ang mangyayari sa akin.. Inihanda ko na ang sarili ko sa galit nila.. Lalong lalo na sa lalaking ito na kaharap ko.. Nilabanan ko ang tingin niya.. Isa akong Montefalco.. Kahit kailan hindi ako marunong matakot... Hindi ako marunong umatras... Maliban na lang kung si Nicky ang

