Zederina's POV.
***
It's already 10 in the evening pero hanggang ngayon ay gising parin ako. Hawak ko ang kwintas na binili ko kanina at sinubukan kong buksan 'yon at yung heart pala na para sa babae ay isang locket. Iniisip ko kung bakit ko ba binili ang kwintas eh wala naman akong pagbibigyan ng partner nito dahil wala naman akong boyfriend.
I sighed while staring at the locket thinking what came into my mind that I bought it.
"Ano bang gagawin ko dito sa couple necklace na 'to?" I ask myself hoping to get some answer.
Kanina pa ako nagpapakawala ng buntong-hininga dahil sa kakaisip. And for the last time, isang buntong-hininga nanaman ang pinakawalan ko saka ibinalik sa itim na box ang kwintas kung nasaan ang partner nito at inilagay 'yon sa side table saka ako tumayo mula sa pagkaka upo ko sa kama at lumapit sa study table ko.
Naisip ko kasing icheck ang story na ginawa ko dahil hindi naman ako maka tulog. Pinagisipan kong mabuti kung babaguhin ko ang ending niya and I decided na baguhin nalang. Marami din sa mga readers nito ang nagdedemand ng magandang ending ng story kaya naisip ko na aayusin ko nalang, pero nang buksan ko ang account ko sa w*****d ay wala ang storyang iyon. Paulit-ulit ko pang nilog out at login ang account ko dahil hindi ko makita ang published story ko. Halos maduling ako dahil nilapit ko pa talagang maigi ang mukha ko sa screen ng laptop ko pero wala talaga.
"Sh*t!" Mahina kong nasabi dahil wala talaga.
Napa hilot ako sa sentido ko at pilit inaalala kung binura ko ba ito pero kahit anong gawin ko ay wala akong maalala na bagbura ako sa mga published stories ko. Huli ko pa itong Nacheck ay nung bakasyon pa.
Nanlulumo akong bumalik sa kama ko at hindi na din naioff ang laptop dahil patuloy kong iniisip kung binura ko ba 'yon at hindi ko lang maalala pero wala talaga.
‘Damn!’
I WAS in a deep sleep nang maalimpungatan ako dahil sa pakiramdam na parang may naka titog sa akin. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at bumungad sa'kin ang isang taong hindi ko makilala.
I can't see him clearly dahil medyo blurry pa ang mukha niya but I can see na lalaki---
O__________O
‘Lalaki’
O__________O
‘Lalaki?!’
Nanlalaki ang mga matang naka titig ako sa lalaking ngayon ay seryosong naka titig din sa akin.
Parang processing parin sa utak ko ang mga nakikita ko. And when everything became clear taranta akong napa upo at ginawa ang pinaka rationale na gawin.
"Aaaaahhhh!!" I shrieked at the top of my lungs. "Manang! Mommy!! Daddy!!"
Halos mataranta naman siya sa sigaw ko habang ako ay hindi alam ang gagawin kung tatayo ba at tatakbo o dadambahin ito. But I chose none of the two choices that came to my mind.
"AAAHHH! MAGNANAKA---Agshsjusjbaja!"
Nanlalaki pa ang mga matang sumisigaw ako kahit tinatakpan na niya ang bibig ko.
"Sh*t! You are so annoying! Damn it!"
Napa kurap-kurap pa ako nang marinig ko ang mura niya.
‘T-teka? N-nag English ba siya?’
"Nsgjahgekkab" Nang maalala kong naka takip nga pala ang malaki at mabango niyang kamay sa bibig ko ay agad kong inalis 'yon.
"H-hindi ka m-magnanakaw?" I utter in a low-stummering voice.
"Mukha ba akong magnanakaw?" He asked back without any emotion.
I blinked numerous times while staring at him.
Tinititigan ko lang siya ng maigi. 'Yong mapang-akit niyang mata, 'yong napaka tangos niyang ilong, 'yong medyo makapal niyang kilay, 'yong mapulang labi niya at 'yong mahahaba niyang pilik-mata.
Hindi naman siya mukhang magnanakaw. Mukha nga siyang anak mayaman dahil sa suot niyang t-shirt eh. Pero.. ‘Oh my god!’
"K-kung hindi ka Magnanakaw i-ibig sabihin," Nanlalaki ang mga matang naka tingin ako sa kaniya. "R-rapist ka! Aaahhh!! Rapist! Tulo---"
"WHAT THE F*CK!"
Natahimik ako nang mag echo sa buong kwarto ang boses niya kaya napa atras ako at itinaas ang malambot kong kumot hanggang sa Matakpan ang ilong ko.
"S-sino ka ba kasi!!" Kinakabahan kong tanong na pilit pang tinaasan ang boses.
‘Huhuhu! Ayoko pang mamatay! Madami pa 'kong pangarap sa buhay. Kailangan ko pang magkaron ng sariling pamilya at alagaan ang mga fu---’
"Do I look like a rapist to you?" Seryosong-seryoso niyang tanong na para bang isang maling sagot ko lang ay tatamaan na 'ko.
Agad ko naman siyang pinasadahan ng tingin. Matangkad siya at bukod dun maganda din ang katawan niya. Hindi naman siya mukhang gagawa ng masama pero hindi naman binabase sa itsura ang mga kayang gawin ng tao di'ba. Minsan nga kung sino pang gwapo siya pa ang may kayang gawin na hindi mo inaakala.
Parang yung ex ko lang na akala mo sobrang gwapo kung manloko mukha namang---
"Hindi ka pa ba tapos titigan ako?" Nagulat naman ako sa sinabi niya kaya napa iwas ako ng tingin.
‘Sensitive naman masiyado!’
"E-ehh sino ka nga kasi?!" pinilit kong sumigaw kahit ang totoo hiyang hiya ako dahil napa tagal ang pagtitig ko sa kaniya. "Pwede kitang kasuhan sa pag-trespass mo sa kwarto ko!!"
"Tss! Hindi mo 'ko kakasuhan dahil mahal mo 'ko." Nanlaki nanaman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.
‘Aba't! Ang kapal ng mukha!’
"A-anong sinasabi mo ha?! Ang kapal ng mukha mo! Hindi nga kita kilala tapos sasabihin mong mahal kita? Hoy! Mahiya ka nga!!" Sigaw ko na parang tinakasan na ako ng takot at purong inis at pagka irita nalang ang natira.
"Can't you really recognize me, Rare?" Pagsusungit niya na para bang obligasyon ko pang makilala siya.
‘Kapal ng mukhang magsungit!’
Umiling naman ako dahil hindi ko naman talaga siya nakikilala, pero parang familiar siya pero hindi ko maalala kung saan ko siya nakita.
"Tss! Alalahanin mo!" Parang galit pang singhal niya.
'Wow! Siya pa galit eh siya na nga namamasok ng kwarto na may kwarto eh!!'
Tumayo naman ako at lumapit sa kaniya pero hindi ako bumaba ng kama.
Tinititigan ko lang ang mukha niya dahil familiar naman kasi talaga ang mukha niya. Pinasisingkit ko pa ang mata ko at sinusuri ang bawat kanto ng mukha niya.
"OMG!" Gulat na sigaw ko at nanlalaki pa ang mga mata. "Artista ka ba? Waaahh!! Artista ka?"
Excited na excited ko pang sigaw pero binigyan niya lang ako ng tingin na parang sinasabing ‘Wala kang kwenta’
'Oo nga naman. Bakit nga naman kasi papasok sa kwarto ko ang isang artista ng basta-basta di'ba? Tanga lang Rare?'
"Ahh. So hindi?" I said at nag-isip pa.
Hindi ko alam kung makakalimutin lang ba ako o binubudol lang ako nitong lalaking 'to.
"Tss! Parang nitong mga nakaraang araw lang niyayakap mo pa 'ko at paulit-ulit na sinasabihan ng 'i love you' tapos ngayon nakalimutan mo na ako?" Walang kagana-gana niyang sabi at binigyang diin pa yung three magical words.
"Baka nagkakamali ka lang! Wala akong natatandaan na may niyayakap ako!!" Pag dipensa ko dahil wala naman talaga.
"I'm your boyfriend, Rare." Mariin niyang sabi na ikinalaki ng mga mata ko.
"ANO?!" Gulat na sigaw ko dahilan pa para magulat siya.
"F*ck!! Why do you keep on shouting?!" Halata ang pagka irita sa mukha niya.
'Eh bakit ba ang sungit sungit niya? Bahay ko kaya 'to!’
"Nababaliw ka na ba? Siguro takas ka sa mental 'no?at sino ka ba talaga?! Hindi kita kilala! Umalis ka na bago pa kita ipakulong!! Bwiset na 'to balak pa atang pestehin ang buhay ko!!" Inis na sabi ko.
"Tsk! Isipin mong mabuti at alalahanin kung sino ako." Walang ganang sabi niya.
I lour as I jump off my bed.
"Umalis kana nga dito Mister! Hindi ko alam kung paano ka naka pasok dito pero pwede ka nang lumabas on your own way without making the securities nail you."
Aalis na sana ako para sana iwan siya pero nagsalita siyang muli.
"I can't go." Walang emosyon na sabi niya.
"Hindi naman putol ang paa mo para---"
"Hindi na 'ko pwedeng bumalik sa mundong pinanggalingan ko okay?"
Agad naman nagkaroon ng follow up questions sa utak ko kaya hinarap ko siya.
"Bakit? Alien ka ba? May sarili kang mundo?" I ask sarcastically.
"You made me, Rare."
With that may mga pare-parehong mukha ang biglang nag Pop up sa utak ko and it's him.
My nightmare..
My dreams..
Pakiramdam ko magco-collapse ako anytime dahil sa nangyayari pero tinatagan ko ang loob ko.
"Naalala mo na?" Tanong niya na parang wala lang sa kaniya lahat.
May kalakasan kong sinampal ang sarili ko at hinihiling na sana panaginip lang lahat 'to pero hindi.
"Tsk! So weird."
"AAAAAHHHH!!!" I shriek when everything had been definite inside my head.
"N-no! Y-you're not real!" I unbelievably said while staring at him and him staring at me blankly.
I emphatically shut my eyes trying to make myself believe that this is just a dream just like the other nights but my eyes automatically widened as I felt his lips touches mine.
H-he's kissing me...
He's kissing me and I'm not trying to do something! Fudge!!
And finally, nagawa kong itulak siya palayo sa'kin.
"D-did you just k-kiss me?" I unbelievably asked.
Parang hindi parin nagsisink in sa utak ko ang lahat.
‘Fudge! Why am I even stuttering!’
"I'm real and I am your boyfriend."
"I'M REAL and I am your boyfriend."
"I'm real and I am your boyfriend."
"I'm real and I am your boyfriend."
Paulit-ulit na nagrereplay sa utak ko ang mga salitang 'yan. Walang tigil at pakiramdam ko mababaliw na ako dahil dito.
"RARE!"
Nabalik ako sa realidad nang maramdaman ang mahinang hampas ni Sab sa braso ko at ngayon ko lang napansin na nasa kalagitnaan na kami ng school ground at naglalakad na papuntang parking area.
"Ano bang nangyayari sa'yo? Kanina ka pa lutang diyan!" Puna ni Denny.
"A-ahh. W-wala 'to masama lang pakiramdam ko." Pagdadahilan ko kahit ang totoo ay hanggang ngayon hindi maprocess ng utak ko ang mga nangyari kaninang umaga.
Hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Mr.Fictional character 'daw' sabi niya. Pero kung hindi naman siya totoo bakit nasa loob siya ng bahay at naka pasok ng ganon kadali? Ibig sabihin...
"He's real?" Bigla ko nalang nasabi ito na sana ay sa utak ko lang.
"Sino?" Muling napukaw ang utak ko nang sabay na nagtanong sila Sab at Denny.
‘Sasabihin ko ba? Paano kung pagtawanan nila ako? Sh*t! Ano bang gagawin ko! Damn!’
"Rare! Ano ba kanina ka pa!" Sab said irritated.
"Ahh, a-ano kasi," Hindi ko parin alam kung paano ko ba sasabihin.
"Kasi?" Denny asked with her curious stare.
"S-si a-ano... Uhm!" Hindi ko malaman kung paano sisimulan hanggang sa maramdaman ko nalang ay may kalakasang sapok ni Sabrina. "Aray naman, Sab!" Inda ko,
Napa kamot pa ako sa ulo dahil sa ginawa ni Sab.
"Kanina ka pa eh! Baka sakaling magtino kang kausap pag naalog ng slight yang utak mong nawawala nanaman sa sa hulog!" Inis at halatang inip na sabi ni Sab.
Napa buntong-hininga nalang ako ng tuluyan. I guess I need to tell them about this dahil baka mabaliw na 'ko pag wala pang tumulong sa'kin.
I know I can trust them.
NAKA UPO lang ako ngayon dito sa couch ko sa kwarto at pinapanood ang ginagawang panunuri nila Sab at Denny kay Mr.Fictional Character na ngayon ay papalit-palit din ang tingin sa dalawa kong kaibigan at biglang tumayo saka mabilis na tumabi sa'kin.
"Your friends are weird." Bulong niya na narinig din naman nila.
"Mas weird 'yang girlfriend mo!" Diniin pa talaga nila ang sakitang girlfriend.
Ramdam ko naman ang pag-init ng magkabilang pisngi ko dahil sa sinabi nila.
"Girl! Ang gwapo niya!" Denny abruptly shrieked not minding the guy he's talking about being around.
"Medyo naniniwala na 'ko huh? Parang hindi talaga siya normal girl! Eh diba Zendrix is just your fiction? He doesn't exist--- ahh! Now he does exist." Confused na sabi ni Sab na ngayon ay naka pangalumbaba at parang nag-iisip.
"How did you come here?" Tanong ni Denny sa kaniya.
"Oo nga." Sab. "Teka! Yung nightmare ni Rare when she was in coma at yung mga panaginip niya ika---" pero naputol din agad ang pagsasalita ni Sab dahil sa kabastusan ng katabi ko.
"It was not a nightmare. Totoo 'yon. Ginamit ko lang ang panaginip niya to show her the truth behind her ex and bestfriend's innocent face at ginamit ko din ang mundo ng panaginip niya para maging ready siya sa pagdating ko sa buhay niya pero hindi naman umubra." Explanation niya na tumingin pa sa'kin.
Parang sinasabi pa ng mga tingin niya na sobramg slow ko dahil hindi ko nagets ang mga pinahiwatig niya.
"Okay? So, pano nangyari? How did you come here nga?" Tanong ni denny na halatang wala paring maintindihan.
Kahit ako naman wala akong maintindihan.
"Hindi ko rin alam kung paano pero mula nung nacoma ka at nagsimula kang lokohin ng ex mo. May isang fairy na nagsabi na I need to help you. Hindi talaga dapat ako papayag dahil pinatay mo 'ko sa sarili kong kwento pero wala akong choice dahil ginawa mo 'ko." He explained but I can sense that he's holding a grudge against me!
"May galit ka pala sa'kin?" I asked.
"Eh girl, patayin mo banaman sa sarili niyang kwento? Tingin mo matutuwa siya?" Singit ni Denny na may pagka sarkastiko.
"So, all cast pala tayo?" I said.
Sa story kasi na ginawa ko nandon ako, ang friends ko, parents ko at ang mga student sa Colliniels University. Siya at ang mga magulang at kaibigan niya lang ang hindi nageexist sa mundong ibabaw.
"Bakit ba gustong tulungan ng fairy na 'yon si Rare?" Tanong ni sab.
"Obligasyon ko daw yun bilang siya ang gumawa sa'kin." Simpleng sagot niya na mukhang masama pa ang loob na sabihing ako ang gumawa sa kaniya.
Teka...
"Teka! Eh nabura na yung story na 'yon eh!" I exclaimed when I remember what happened last night.
"The story is deleted at mapapalitan na yung ibang parts ng story na yun ng mga mangyayari dito sa mundo niyo. Meaning, every chapter magpa publish 'yon ng kusa at magkakaron ng sariling takbo ang kwento pero hindi magbabago kung sino ang may-akda which is ikaw." Paliwanag niya.
"Okay? So ikaw kailangan mong tulungan si Rare na makalimutan ang ex niya? Ibig-sabihin you will be her fake boyfriend?" Tanong ni sab na parang kinukumpirma ang nasa isip niya.
"I am her boyfriend." May diin niyang pagtatama kay Sab. "Mula pa nung naging kami sa kwentong isinulat niya girlfriend ko na siya at hindi 'yon fake."
"WHAT?!" Gulat na gulat kong sigaw.
"Can't you really lessen down your voice, Zederina?" Halata ang pagka irita sa boses niya.
‘Highblood!’
"Ano ka ba girl? Ayaw mo non? May instant boyfie ka na? Ang perfect pa! Grab the opportunity na oh!" Denny said na parang mas excited at masaya pa kesa sa akin.
"Tsk! Malay ko ba kung chinacharot lang ako nito!" I said still feeling suspicious.
Sino ba namang maniniwala agad sa ganitong klase ng kwento?!
"Tss! Kahit ano pang sabihin mo boyfriend mo na 'ko."
Napa simangot naman ako sa sinabi niya.
"Paano kung ayaw ko?" Nag cross arms pa 'ko, pero ngumisi lang siya at kinikilabutan ako sa ngisi niya.
"Edi Hahalikan ulit kita."
O/////////////////O