"Iho naman, nagmamadali 'ata kayo! Huwag n' yo naman madaliin ang kasal ninyo nitong si Roxanne. Hmm, baka pwedeng next month na lang para naman mapaghahandaan. I want your wedding to be grand my son." malambing na sambit ng mommy ni Francis habang nakatingin sa kanilang dalawa. " Oo nga naman Francis, next month na lang para malaking handaan ang peg 'di ba? Atsaka kailangan maraming imbitado' di ba? Proud ka ba kay Roxanne? Mukhang hindi dahil apurado ka! Isa pa kapag more people, more foods!" sabad naman ni Samara. Nakita niyang nakakunot ang noo ng asawa nitong si France habang nakatitig rito. " Yes Francis, agree ako kay mommy. Bakit ka ba nagmamadali ha? Buntis ba itong si Roxanne? " tanong ni France sa kapatid nito. Narinig niya ang pag-ubo ni Franko dahil sa sinabi ng kuya ng mg

