-FLASHBACK- Nakatakda kaming magdate ni Rex sa isang restaurant. Inaya niya ako na makipag date last week. Pero kagabi lang naisip ko na kailangan ko ng patigilin si Rex sa panliligaw sa akin. Wala kasi talaga akong nararamdaman para sa kaniya, kaibigan lang talaga. Balak ko ng umamin dahil ayoko ng patagalin pa to. Ayokong magsisi pa ako sa huli dahil hindi ko siya pinalaya noong mga panahon na hindi pa ganon ka lalim ang nararamdaman niya sa akin. Ayoko siyang saktan dahil itinuring ko siyang kaibigan pero kailangan ko itong gawin, para sa ikabubuti ng lahat. Pagkababa ko ng taxi ay agad na akong naglalad patungo sa glass door ng restau. Sa labas palang ng restaurant ay nakita ko na agad si Rex. Naka white longsleeve siya at black na pantalon. Sa pormahan niya palang,

