Prologue “Mommy konting ire pa! Malapit na. Nakikita ko na si baby,” sambit ng doktora na nagpapaanak sa akin. Nang mga oras na iyon halos mawalan na ako ng malay. Tuloy-tuloy sa pagpatak ang pawis ko pero ginawa ko ang lahat upang mailabas ko ang baby ko. Ang baby namin. Kaya grabi na lang ang ginhawang naramdaman ko noong marinig ko na ang iyak ng baby ko. Napangiti na lang ako sa tuwa nang makita ko na ang baby ko. “A healthy baby boy!” anunsyo ng doktora. Inangat nila ng konti ang folding bed upang maipuwesto ako na parang naka upo. Ibinalot nila sa puting tela si baby bago ibinigay sa akin. Agad na tumulo ang luha ko ng makita ko na ng tuluyan ang baby ko. Tama sila, healthy nga siya. Kitang-kita sa mataba niyang pisngi. Hinalikan ko siya sa noo bago ko ibinalik sa nurse. “Ano p

