GRACE'S POINT OF VIEW "Come on now, wife. Mahuhuli na tayo sa game namin." Hinawakan niya ako sa kamay at sinabayan sa aking lakad patungong clear field. Nakakailang. Napakadaldal niya, sobra. Tanging, "Hmm", "Oo", "Hehe", "Ahh" lamang ang nasasabi ko sa mga kwento niya, kunwari nakikinig ako. Ilang minuto rin kaming naglakad patungong clear field kaya naparami ang kwento niya. Tagaktak ang aming pawis dala ng sungit ng araw, maaari naman kami sumakay ng kotse eh, ewan ko ba rito kay Marco kung bakit hindi niya naisipan iyon. Marahil ay gusto niya magkaroon ng time sa akin? Yuck. Natigilan ako sa paglalakad nang ipwesto niya sa aking beywang ang kaniyang kamay, nagsitaasan ang aking balahibo at nangilabot. "Why?" tanong niya no'ng mahinto ako sa paglalakad. "N-Nakakailang, take your

