GRACE'S POINT OF VIEW . Hinayaan nga muna nila ako mamahinga at magpagaling ng ilang araw. I've been taking my medication and maintaining them. Ang mga kaibigan ko ay hindi pa ako dinadalaw, I feel somehow sad pero 'yung galit ko ang siyang nananaig. Galit ako kay Angel dahil ginawa niya sa amin. Siya ang nag-utos na pakidnapin kami! Tiwalang-tiwala siya sa posisyon ng Ama niya dahil nga isa na siya sa pinagkakatiwalaan ni Marco, may kapangyarihan nang mag-utos ng tauhan 'yung papa ni Angel. Ngunit hindi nila alam na iniibig ako ni Marco. Their plan have failed. Si Sebastian ay kasalukuyang nakakulong sa basement ng mansyon. Naaalala niyo ba kung saan kami kinulong no'ng walang hiyang Sebastian na iyon? Naroon siya ngayon, ang sabi sa akin ni Marco ay puno siya ng kadena kaya imposibl

