SHANG'S POINT OF VIEW Isang bagsak ng makapal na libro sa desk ang ginawa ko nang ako ay makapasok sa condo ng kuya ko. Natyempuhan kong narito siya sa loob. Kaagad akong nabalot ng galit at pagkadismaya no'ng nakita ko ang pagmumukha niya. I gritted my teeth as hard as I could. Napataas siya ng kilay kasabay ng pagkabalikwas niya dahil sa gulat, may suot pa siyang reading glass no'ng bagsakan ko ng libro ang desk niya. "What are you doing?!" gulat niyang tanong. "Explain everything to me!" galit na galit, napakuyom ako ng kamao habang tirik na binigyan siya ng masamang tingin. "A-About what?" nauutal niyang taong ngunit alam ko na alam niya ang ibig kong sabihin. Galit na napalingon ako sa maliit niyang table na patungan ng lampshade niya, do'n ay nakita ko ang litrato niya kasama

