GRACE'S POINT OF VIEW "A-Angel?" Biglang natigil ang takbo ng oras ko nang makita ko si Angel at ang taong mahal ko sa iisang condo. Isang eksenang sa palabas sa telebisyon ko lamang napanood, hindi ko inakala na mangyayari pala sa buhay ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Gusto kong sampalin si Angel, gusto kong sampalin si Winston, gusto kong magwala, gusto kong... ang dami kong gustong gawin ngunit ang tanging ginawa ko lamang ay tumakbo palayo sa kanila na may namamasang pisngi. Pumasok ako sa loob ng kotse at pinaharurot ito. Hindi ko alam kung saan ko dadalhin ang sarili ko, ang gusto ko lamang ay malayo sa kanila. Parang isang panaginip. Maaaring nais nilang magdahilan sa akin, pero nakita ko ang nakita ko at narinig ko ang narinig ko. Ano ang gagawin ng babaeng inggit sa

