Brian POV Hindi maampat ang aking ngiti nang pagmasadan ko ang bunga ng aming pagmamahalan ni Alixane. Premature babies sila kaya kailangan muna nilang ilagay sa incubator. Labis akong nag-alala dahil kulang pa sila sa buwan. Pero malalakas ang mga babies namin. Cesarean si Alixane kaya hindi ko siya iniwan sa loob ng operating room. Hawak ko lang ang kamay niya at hinahalikan siya para maging relax siya. At nang isa-isa na sila kinuha sa loob ni Xane ay hindi namin mapigilan ang maiyak dahil sa tuwa. Napakasaya naming dalawa. Lalo na si Xane. Sa ngayon nagpapahinga na siya sa recovery room at mamaya ililipat na rin siya sa pribadong kwarto. “Congrats Pre!” Bati ni Raul sa akin. Dumaan muna siya dito. Nang malaman niyang nakapanganak na si Xane. “Salamat. Ano na nga pala nangyari ka

